May 23, 2025
Arjo Atayde admits he’s a huge fan of Coco
Latest Articles

Arjo Atayde admits he’s a huge fan of Coco

Oct 3, 2016

Malaki ang pasasalamat ni Arjo Atayde sa Kapamilya Primetime King at Idol ng Masa na si Coco Martin dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break na makatrabaho ang multi-awarded actor sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Dreamscape Entertainment.

“Turning point siya sa career ko. Malaking boost din siya dahil dito ako nakilala nang husto at nagkaroon ng award, so talagang memorable siya para sa akin,” ani Arjo.

Tinanghal kasi na best supporting actor si Arjo na iginawad ng isang showbiz online website dahil sa kanyang makabuluhang pagganap bilang primero kontrabida ni Coco sa FPJAP.

angprobinsyano_cast7-arjo-atayde

Ayon pa sa magaling na aktor, hindi siya natatakot na ma-type cast na maging kontrabida dahil sa napaka-epektibo niyang pagganap bilang Joaquin.

“I leave it to ABS. If they wanna me to try other genre, okay lang sa akin, pero , happy naman ako sa Ang Probinsyano dahil challenging siya para sa akin. Kung ganito ang role, I don’t mind being typecast,” sey niya.

Para sa kanya, nag-e-evolve ang paniniwala niya sa mga kontrabida.

“Kapag kasi sinabing kontrabida, akala natin sila lang iyong nagpapahirap sa bida. Actually, ang belief ko kasi sa kontrabida, hindi siya iyong bad na one-sided lang o all-out. Minsan iyong character lang niya ang bad dahil biktima rin siya ng mga circumstances. Na kahit na pagkasama-sama ng tao, meron pa rin siyang soft o human side,” paliwanag niya.

Nakaranas na rin daw siya na ma-bash at kainisan ng mga tao dahil sa kanyang character sa FJAP bilang  isang corrupt na police inspector.

“Hindi ko na lang sila pinapansin. Naniniwala kasi ako na matalino na ang mga viewers natin ngayon at naiintindihan naman nilang trabaho lang ang ginagawa ko,” paliwanag niya.

Hindi rin itinago ni Arjo na isa si Coco sa mga idols niya pagdating sa acting.

“Hindi naman method pero marami akong natututunan sa kanya pagdating sa mga acting techniques. He’s a very intense actor kasi at kapag nakaka-eksena mo na siya, dapat alerto ka rin kung paano makikipagsabayan sa kanya otherwise mapag-iiwanan ka,” pagbabahagi ni Arjo.

Dagdag ni Arjo, marami pa raw mga kapana-panabik na rebelasyon sa FJAP lalo na sa kanyang karakter.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nasa ikalawang taon na ngayon at nananatiling most watch primetime teleserye sa bansa.

 

Leave a comment