
Arjo Atayde confesses that he’s an Erik Matti fan
Aminado si Arjo Atayde na fan siya ang award-winning director na si Erik Matti.
Kaya naman nang mabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ito ay hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang offer sa kanya.
“I like OTJ a lot. It’s really a good movie. Sabi ko nga, it’s one of my favorite movies and I feel blessed that I’ve been given the chance to work with a master director like him”, ani Arjo.
Katunayan kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay gusto rin niyang magampanan ang alinman sa matinding roles nina Piolo Pascual o Gerald Anderson sa film version nito.
“It’s an acting piece kasi”, aniya. “More than anything else, iyong makatrabaho lang si Direk ay isa nang honor para sa akin”, dugtong niya.
Pero, hindi ang role ni Piolo o ni Gerald ang papel ni Arjo sa OTJ: The Series na mapapanood na online sa pamamagitan ng video-on-demand service ng pinagsanib na lakas ng Globe Studios, HOOQ at Reality Entertainment.
“It’s an entirely new character. Bale, I play an ex-journalist who becomes a congressman”, esplika niya.
Thankful din siya dahil kaiba ang role niya rito kumpara sa ibang papel na nagampanan na niya.
“Finally, hindi ako evil dito. It’s a driven character na may special connection kay Bela (Padilla) in a love-hate relationship”, pagbubunyag niya.
Ayon pa kay Arjo, iba rin ang naging paghahanda niya sa kanyang role sa OTJ: The Series.
“Wala siyang workshop. I have to research on my own. Iyong kasing “FPJ’s Ang Probinsyano”, dahil every day ang taping , I have the time to attend workshops pero si Direk Erik naman, in-explain niya sa akin iyong role ko at magaling naman siyang mag-explain so may idea na ako kung paano ita-tackle iyong role ko”, paliwanag niya.
Kahit busy siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” hindi naman nakikita ni Arjo na magkakaroon ito ng conflict sa kanyang OTJ: The Series.
“OK lang sa akin basta’t makatrabaho si Direk Erik kahit araw-araw ang taping ko. Pati iyong Sundays ko, ibibibigay ko para lamang sa project”, pagtatapos niya.
Hindi naman ikinaila ni Arjo na inspired siya sa pagtratrabaho ngayon dahil may nagpapasaya sa kanya na isang non-showbiz girl na naipakilala na niya sa kanyang mga parents noong birthday niya pero ayaw pa niya itong pangalanan.
Sa season 1 ng six-part series, kasama ni Arjo sina Christopher de Leon, Bela Padilla, Smokey Manaloto, Leo Martinez, Dominic Ochoa, Jake Macapagal, Nafa Hilario Cruz, Nonoy Froilan, Teroy Guzman, Neil Ryan Sese, Renz Fernandez, Ria Atayde, Levi Ignacio at marami pang iba.
Magpopokus ang kuwento nito sa misteryo ng pagkamatay ng walong journalists na minasaker ng hired goons sa isang fictitious town na kung tawagin ay La Paz.