
Arjo Atayde confirms dating stage with Maine Mendoza
Sa presscon ng ‘Tol, mula sa Reality Entertainment, na isa si Arjo Atayde sa bida, together with Joross Gamboa and Ketchup Eusebio, ay tinanong siya kung sila na ba ni Maine Mendoza.
Lagi kasi silang nakikitang magkasama. Pero, ayon kay Arjo, “No! But we’re exclusively dating. I’m at my happiest right now. For details, basta hanggang dun lang po muna ang masasabi ko.”
Mga ilang weeks o buwan na ba silang exclusively dating ni Maine?
“I don’t know, when we started. Ang hirap ng mga tanong ninyo,” natatawang sabi ni Arjo, sabay buntong-hininga, at sinabing, “Basta, we’re dating.”
“Pag sinabi bang exlusively dating, nag-a-I-love-you-han kayo?
“Depende sa inyo yun,” natatawang pahayag ng aktor.
Masaya ba ang puso niya ngayon?
“Masaya. Sobrang masaya.”
Ano ba ang mga katangian ni Maine na nagustuhan niya?
“Lahat!” tanging nasabi ni Arjo.
May plano ba si Maine na magpa-block screening ng ‘Tol?
“Hndi ko po alam. Let’s see.”
Pero dadalo ba si Maine sa premiere night ng ‘Tol para suportahan siya?
“We haven’t talked about it.”
Sinusundo niya ba si Maine sa Eat Bulaga?
“Basta hanggang dun na lang po muna tayo. Please! What you see is what you get,” sagot ni Arjo.
Samantala, ang ‘Tol ay isang comedy film. Kilalang dramatic actor si Arjo, paano siyang nag-adjust sa pelikula na first niyang magpapatawa?
“Mas naging madali po eh, dahil kay Direk Miko (Livelo, director ng ‘Tol), Joross, Ketchup and Jessy (Mendiola, na leading lady nila sa pelikula) . Hindi ko ma-explain, pero ito ‘yung pinapangarap ko nung bata pa ako, na maging isang comedian. Hindi ko lang alam kung paano ako napadpad sa pagiging kontabida, at pagiging dramatic actor.”
Showing na sa January 30 ang ‘Tol.