
Arjo on Maine’s acting improvement: I’m very proud of her
Itinanggi ng magaling at award-winning Kapamilya actor na pinagselosan umano niya ang kissing scene ng girlfriend na si Maine Mendoza at ng kapartner nitong si Carlo Aquino sa pelikulang “Isa Pa With Feelings.”
Katunayan, bilang suporta kay Maine, pinanood daw niya ang nasabing pelikula ng dalawa at siya man ay kinilig sa kanilang chemistry.
Sobrang bilib din si Arjo kay Maine dahil napalaki nang naging improvement nito pagdating sa acting.
“I’m very proud of her and that’s one of her best performances. I’m really happy,” pahayag ni Arjo.
Hindi rin naman big deal para sa Bagman star na magkaroon ng kissing scene si Maine sa ibang leading men niya sa pelikula.
“It’s part of our work. It’s part of our job as actors,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, kung hindi sila okey ni Carlo, hindi sila mapagsasama sa bagong season ng iWant original series na “Bagman” kung saan muli niyang bibigyang-buhay ang role ni Benjo na isa nang gobernador ngayon.
“It’s the wildest and most intense role that I’ve done. Very challenging iyong development ng character niya from an innocent barber to a killer na naging politician, so it’s rollercoaster ride,” esplika niya.
Proud din siyang makatrabaho si Carlo na pinabilib siya sa galing nito bilang deaf sign language tutor sa pelikula nila ni Maine.
“Carlo is such an intense actor. I’m his fan as well and it’s honor sa akin na makatrabaho siya,” pagwawakas niya.
Happy din si Arjo na ang first season ng Bagman na ipinalabas noong Marso ang nanatiling most-watched sa mga digital series na iprinudyus ng iWant.
Dagdag pa niya, mas marami raw exciting na twists at umaatikabong aksyon sa ikalawang season ng Bagman.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Digital at ng Rein Entertainment at sa panulat at direksyon ni Shugo Praico, nagbabalik ang pinag-uusapang socio-political action sa kanilang ikalawang season ngayong Nobyembre.
Kasama rin sa ikalawang season sina Carlo Aquino, Channel La Torre, Rosanna Roces, Irma Adlawan, Mon Confiado, Romnick Sarmenta, Rez Cortez, Irma Adlawan, Menggie Cobarrubias, Joel Saracho, Rolando Inocencio at marami pang iba.
Mapapanood na ito via iWant, ang nangungunang digital content platform ng ABS-CBN.