
Arjo tries romcom for a change
Para sa magaling at award-winning actor na si Arjo Atayde, maituturing niyang banner year ang 2019.
Bukod sa sunud-sunod ang kanyang mga proyekto, nabigyan din siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang galing sa iba’t-ibang klaseng roles, mapabida man o kontrabida.
“Masaya ako. Masaya ako. Kakaibang mga proyekto ang mga binibigay sa akin. Mabait, masama, may weird, at hindi ko alam kung saan pa ako dadalhin ng mga gusto kong gawin. Yeah, I’m very happy,” aniya.
Maituturing din niyang breather ang role niya sa “Stranded’ sa mga heavy roles na ginagawa niya.
“This is also a break for me coming from those really intense roles. Finally, sabi ko kung ano ang natutunan ko sa ‘Tol, sa Stranded, puwede pala akong makauwi nang nakangiti,” paliwanag niya.
Dahil naglalagare siya sa iba’t-ibang proyekto, bagamat nakakapagod, ayaw daw naman niyang mag-complain.
“It’s actually a busy year for me, but I’m very thankful. I’m overwhelmed. Nakakapagod siya pero it’s a blessing, so why should I complain?” sey niya.
Happy din siya na nakakapag-cross over siya mula kontrabida to bida roles.
“It’s very,very hard for me. I can’t really explain what I go through on a weekly basis. Tomorrow, I’m Bagman. Tomorrow I’m Stranded. Tomorrow, I’m Elai in General’s Daughter. It’s so tiring but I won’t say that I would not want to do it again,” hirit niya.
Hindi rin niya ikinaila na ganado siyang magtrabaho dahil mas inspired siya ngayon dahil kay Maine Mendoza.
“Of course, every human being is happy to be inspired and working at the same time,” ani Arjo.
Giit pa niya, kahit naba-bash dahil kay Maine, hindi raw siya apektado ng bashing dahil wala raw siyang pakialam sa mga ito.
First time ni Arjo na magbida at gumawa ng isang romantic comedy kaya masusubukan ang kakayahan niyang magpakilig sa pelikulang “Stranded” kung saan kapareha niya si Jessy Mendiola.
“Stranded is a love story. I’ve been wanting to do a rom-com. I wanted to do a love story na pelikula or serye and, finally, I was given the chance. I really waited for this kasi, sabi ko, if ever I come out in a romantic film, gusto ko kakaiba iyong kuwento, kuwentong hindi pa nakukuwento sa Philippine cinema, and finally it’s coming out on April 10,” aniya.
“I’m very, very excited. I promise you, hindi pa ‘to napapanood ng mga Pilipino,” pahabol niya.
Masaya rin ang naging bonding niya kay Jessy dahil feeling niya ay may common connection sila dahil pareho silang biktima ng bashing sa social media.
Papel ni Spencer, isang happy go-lucky guy na nakulong sa isang building kasama ang isang konserbatibong babae nang gabing bumabagyo at bumubuhos ang malakas na ulan ang role ni Arjo sa pelikulang “Stranded.”
Mula sa direksyon ni Ice Idanan (Sakaling Hindi Makarating), tampok din sa “Stranded’ sina Miko Raval, Mich Laggayu, Miggy Marty, Pinky Amador, Johnny Revilla at maraming iba pa.