May 23, 2025
Arnell Ignacio and Ken Psalmer break engagement
Latest Articles This is it!

Arnell Ignacio and Ken Psalmer break engagement

Aug 6, 2015

Rommel_Placente

By Rommel Placente

arnel-ignacio

Inamin ni Arnell Ignacio sa interview sa kanya ng ‘Startalk’ nung Sabado na hiwalay na sila ni Ken Psalmer. Ang sinabi niyang dahilan ay hindi naman daw seryoso sa kanilang relasyon ang dating boyfriend. Plus. ang pambabastos daw na ginagawa nito sa kanya sa harap ng maraming tao kasama na ang kaibigan niyang si Ai Ai delas Alas. Nagagalit na nga raw sa kanya si Ai Ai dahil witness nga ito sa hindi magandang ginagawa sa kanya ni Ken. Hindi na nga lang inilaborate pa ni Arnell kung paano siyang bastusin ni Ken dahil nakakahiya raw talagang ikuwento ito at kung ano pa ang mga nalaman niya sa dating karelasyon.

Sa hiwalay na panayam ng Startalk kay Ken ay sinagot niya ang naging pahayag ni Arnell laban sa kanya. “Siguro nasabi na lang niya yun kasi masama ang loob.
Basta nag-usap na kami, e. Sinabi ko naman sa kanya that time. Lahat ng nalalaman niya tungkol sa buhay ko, nangyari ‘yon. Bago ko siya nakilala, lahat ng nabalitaan niya, nangyari yun bago kami naging kami,” sabi ni Ken.

Dagdag niya, “Basta ayoko nang palakihin. Basta gusto ko lang malaman ng mga tao na sana maintindihan din nila ako. Hindi lang ako ang may fault. Sa akin siyempre, it’s a two-way relationship. Siguro naman po, dahil wala akong kakilala nga na expert yung sarili ko sa media, o sa mga tao, sana maisip din nila na hindi naman sinisisi ko si Arnell. Mutual naman yung decision namin na maghiwalay. Kung anuman yung naririnig ng iba o sinasabi ng ibang tao, sana isipin niyo muna na may side din po ako.”

[divider]

Want to get those flawless skin and get rid of unwanted fats?

dw_coverphotogoogle

Gusto ninyo bang magkaroon ng kutis artista at mawala ang inyong unwanted fats at maging sexy? Well, bisitahin ninyo lang ang Dermaworld ni Dr. Charlie H. Mendez na matatagpuan sa #75 Unit 4 Midtown Square, Sct. Dr. Lazcano St. Brgy.Laging Handa Quezon City with landline 3761513 and cellphone numbers 09177927446 at garantisadong mangyayari ‘yun sa inyo. Try ninyo na ang serbisyo ng Dermaworld.

Leave a comment

Leave a Reply