May 24, 2025
Arnold Reyes praises ‘Signal Rock’ director: “Very professional”
Latest Articles Rodelistic

Arnold Reyes praises ‘Signal Rock’ director: “Very professional”

Aug 3, 2018

Isa sa mga inaabangang pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay ang Signal Rock na idinirehe ni Chito Roño.

Kuwento ito ni Intoy na ginagampanan ni Christian Bables na nasadlak sa sari-saring problema, masalimuot at magulong buhay pati ng kanyang pamilya dahil lang sa isang desisyon ng kaniyang kapatid.

Hindi na namin ikukuwento at ayaw namin maging spoiler.

Anyway, ang pelikula ay isa sa mga dream project ni Direk Chito kaya pinagsumikapan niya itong gawin.

Sa katunayan, siya na ang nagprodyus ng pelikula.

Bukod sa istorya, nagustuhan din ng premyadong direktor ang mga napili niyang mga artista na halos lahat ay dumaan sa audition.

Of course, hangang-hanga siya kay Christian Bables dahil sa pagiging professional daw nito.

Pinuri rin niya si Arnold Reyes na sabi nga niya ay gusto niya talagang makatrabaho.

Kumusta naman kaya ang naging working relationship nila ng magaling na aktor? Nasigawan din kaya siya ng direktor o napagalitan?

“Okey naman ang naging working relationship namin kasi very professional siya. Nagagalit man sya pero alam mo na may pinupunto sya. Commitment nya ‘yun dun sa vision niya bilang director at creator ng Signal Rock,” pakli ni Arnold nang makausap namin sa presscon ng pelikula.

“Actually, nung nakapasa ako sa audition at kinuha nya sa Signal Rock bilang Joaquin, the brother of Intoy, na-challenge ako kasi alam ko metikuloso si Direk Chito nag-prepare at niready ko na ang sarili ko.

“As an actor naman you have to give your 100 percent sa direktor mo so ‘yun kaya naging maganda ang working relationship namin,” dagdag pa niya.

“Lahat halos naman kami ay nasigawan ni Direk Chito lalo na nung day 1 kasi nung day 1 kasi karamihan samin first time namin sya nakawork pero sabi ko nga me pinupunto naman siya at naiintindihan namin.”

Masuwerte si Arnold dahil bukod sa Signal Rock na isa nga sa mga entries sa PPP ay mayroon din siya sa darating na Metro Manila Film Festival at ito ay ang Aurora kung saan kasama niya si Anne Curtis. Dahil masipag at professional sa trabaho ay may mga tv projects din siya bukod sa pagiging abala niya sa teatro.

fb_img_1533253921589

Ang Signal Rock ay palabas na sa August 15 hanggang August 21 sa mga sinehan nationwide.

Leave a comment