
Arron Villaflor’s assertion on a same sex kissing scene
Nilinaw ni Arron Villaflor na hindi siya homophobic.
Katunayan, napamahal na nga raw sa kanya ang mga kasamahang artista sa pelikulang “Mamu and Mother Too” ni Rod Singh na kalahok sa 2018 Cinema One Originals filmfest.
“Ako iyong boyfriend ng bida. Nagiging parang ama ako sa bahay. Lahat ng struggles ni Mamu, struggles ko, struggles ni Ej, pinag-uusapan namin, so ganoon ang bond and closeness namin,” aniya.
Hirit pa niya, hindi raw siya nailang mapalibutan ng beking cast members sa pelikula.
Never din daw niyang na-feel na pinagsamantalahan siya o nag-take advantage ang mga ito sa kanya sa mga daring scenes siya sa pelikula.
“First time ko to play na boyfriend ng isang transgender. Ang masasabi ko, I never felt abused during the shoot. Yes, I was surrounded by gays, transgender people pero sobra silang marespeto kaya mahal na mahal ko sila. Naging mabait sila sa akin at even right after matapos ang movie, nadagdagan ang respeto ko sa kanila, hindi lang sa talent nila kundi pati na sa pagkatao nila,” sey ni Arron.
May mapangahas na mga eksena si Arron sa naturang Cinema One Originals entry na bago raw para sa kanya.
Kung open siyang tumanggap sa hinaharap ng mga role na kailangan niyang makipaghalikan sa kapuwa lalake, ito ang naging sagot niya.
“Kailangang paghandaan ko siya ng sobrang-sobra. Nakaka-intimidate iyon. Medyo maselan iyong part na iyon, pinaghahandaan talaga siya, pero tingnan natin,” hirit niya.
Ang Mamu and Mother Too ay isang kakaibang kuwento ng relasyon ng isang middle aged transgender sex worker at ng kanyang transgender niece.
Kasama sa cast nito sina Iyah Mina, EJ Jallorina na tampok sa kanilang first starring roles.