
Why Arron Villaflor’s name not included in the Spirit’s poster
Nagulat din pala itong si Arron Villaflor nang makita niya ang movie poster ng pelikulang “Spirit of the Glass 2” under OctoArts Films at T-Rex Production.
Bakit siya nagulat?
Sa naganap na press conference ay nakita ng dalawa niyang mga mata na wala ang pangalan niya sa poster.
Kaya after ng press conference ay naitanong namin kaagad ito sa kanya.
“Nagulat nga din po ako kung bakit. Magtatanong din po ako.”
Bakit nga ba wala siya sa billing? Obvious naman na mas may pangalan siya kumpara sa nakalagay na mga pangalan sa nasabing horror movie.
Sa darating na November 1 ang showing nito at sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Mga bida dito sina Cristine Reyes at introducing dito si Maxine Medina.
“Puwede rin na sadya na ‘di ilagay ang name ko. Baka may usapan sila,” pagwawakas ng aktor.
Bakit nga ba?