
Arroyo in, Alvarez out; Ate Vi decided not to attend SONA
USAP-USAPAN na noon pa man na si Congresswoman Gloria Arroyo ang papalit kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon nga sa malapit na tao kay Congresswoman Arroyo, ayaw daw ni Arroyo ang posisyon at kanya itong tinanggahin.
Ngunit sa ikatlong SONA ni President Rodrigo Duterte, ay mukhang tinanggap ni Arroyo ang pagiging House Speaker. Kung ganoon, nakuha nya ang boto para ideklara syang House Speaker.
Maraming netizens ang naguluhan at na-awkward-an sa pangyayari. Hindi eksaktong alas kwarto nagsimula ang SONA.
Ano kaya ang pinag-isipang considerations ni Arroyo upang tanggapin nya ang posisyon gayung hindi nya type noong una?
Iba’t ibang reaksyon ang nakikita sa loob ng Batasang Pambansa.
Pinaghandaan din ng iba’t ibang senador ang kanilang mga kausutan. Habang binabash naman sa social media ang suot na kulay light blue na Filipiana gown ni Sen. Nancy Binay na tila kakulay ang carpet.
Si Danica Sotto naman, kasama ni Sen. Tito Sotto, ay magandang maganda sa kanyang gown. Hindi rin nagpatalbog si Tita Helen Gamboa.
Present din ang Cayetanos. Si Sec. Allan Cayetano ay very simple sa kanyang barong at ang kanyang kapatid na si Sen. Pia Cayetano ay nangibabaw sa kanyang black gown.
May best dressed at may worst dressed.
Sa huli nga ay si Alvarez pa rin ang nakaupo bilang House Speaker.
Ito na ang sinasabing pinakamakulay at pinakamadrama sa kasaysayan ng SONA.
•••••••••••••••
Naibahagi naman sa facebook na hindi makakadalo ng SONA si Congresswoman at Star for all seasons Vilma Santos-Recto dahil sa nararamdaman nyang lagnat at ubo’t sipon.
Galing ang pamilya ni Ate Vi sa Singapore at nagkasakit daw sya dahil sa pabago-bago ng panahon.
Gustuhin man daw umattend ni Ate Vi, ay hindi nya magagawa at mas piniling magpahinga na lamang.
Kinuwento rin sa facebook post na ready na sana ang gown na isusuot ni Ate Vi na gawa ni Renee Salud.
Sayang at hindi naka-attend ang Star for all seasons! Isa pa naman sya sa mga inaabangan tuwing SONA!