
Ashley Aunor’s latest single makes it to Spotify’s most listened Pinoy rock alternative
Mas masaya ngayon si Ashley Aunor, bunso ng circa 70’s teenstar na si Ms. Lala Aunor, dahil sigurado na siya sa genre ng musika niya, pati na rin sa kanyang career path.
Wika ng talented na singer/songwriter “Yes! Mas nag-eenjoy po ako ngayon sa career ko. Kasi, mas sure na ako sa genre and career path ko, especially noong inilabas ko yung Diyosa ng Kaseksihan and rock covers.”
Nabanggit din ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash ang hinggil sa kanyang latest single.
“Naglabas po ako ng latest single na Diyosa ng Kaseksihan na may kasamang music video and yung three OPM covers na inilabas sa Star Music channel. Collaboration po namin ni Ate Marion iyong song, gawa ng Aunorable Productions.”
Ayon pa sa kanya, masaya siya sa magandang feedback ng kanyang song.
“Maganda po yung feedback and nalagay sa new music Friday sa Spotify at sa Spotify Pinoy Alternative Rock Playlist din,” sambit pa niya.
Paano niya ide-describe ang tandem nila ng kanyang Ate Marion?
“Partnership siya. Nagsusulat at nagpo-produce po kami para sa sarili namin and sa ibang artists. Si Ate Marion more sa songwriting and ako naman po ay sa areglo at sa technical aspect.”
Sa nagiging image niyang rocker na sexy na medyo chubby, naba-bash din ba siya?
Tugon niya, “Mas more on positive naman yung feedback at nai-inspire yung mga tao na maging confident, no matter what size they are.”
Matatandaang naunang naglabas si Ashley ng single titled Mataba. Layon nitong i-promote ang body positivity at ang battle against body shaming.
Esplika ni Ashley sa nasabing single, “Through the song, gusto ko maka-inspire ng mga tao na tulad ko na naka-experience rin ng same situations sa life nila. Ate Marion and I co-wrote and co-produced the song together. Ako rin ang nag-areglo and nag-mix ng song. Naisipan naming gumawa ng ganyang kanta dahil na-inspire kami ni Ate Marion sa mga role model namin na sina Lizzo and Meghan Trainor na nagpo-promote din ng body positivity through their music.”
Aniya pa, “Walang masyadong OPM songs na tungkol sa topics na body positivity and body shaming. I want to bring awareness dito sa bansa kasi parang naging norm na lang sa kahit sino man ang pagtawag ng mataba between relatives, friends and even mga strangers. Hindi ito light topic, kasi maraming naaapektuhan sa salitang “tumaba ka” or “ang taba mo.”
“Itinatago lang ng mga naaapektuhan, kasi wala lang naman daw silang ibig sabihin, but in reality they start to believe na hindi sila maa-accept ng society kapag hindi magpapayat katulad ng mga taong nakikita natin sa media.”
“Iba’t iba ang hugis ng bawat tao and I think we should embrace ourselves no matter what people say. Let’s be confident,” diin pa ni Ashley.