May 22, 2025
Assunta de Rossi is happy that her husband is no longer in politics
Latest Articles

Assunta de Rossi is happy that her husband is no longer in politics

Sep 19, 2016

Tapos na ang term ni Jules Ledesma bilang Congressman ng unang distrito ng Negros Occidental noong  Hunyo, 2016.

 

Balik naman sa pagbibida ang magaling at award-winning actress na si Assunta de Rossi sa pelikulang “Higanti” ni Rommel Ricafort na ipinagdarasal niyang makapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Sa “Higanti”, papel ng asawa ng  isang corrupt politician ang role ni Assunta.

 

Bilang asawa ng dating pulitiko, nakaka-relate ka ba sa role mo?

 

“Actually, sa bawat role na ginagampanan ko, wala akong hugot.  Ako kasi iyong klase ng aktres na kailangan ko talagang i-pressure ang sarili ko para maramdaman ko iyong mga roles na ginagampanan ko . Boring kasi ang buhay kaya walang gaanong hugot. My life is not perfect but neither is it dysfunctional. My life is normal pero ang hirap umarte dahil wala naman talaga akong paghuhugutan”, ani Assunta.

 

Noong pulitiko pa ang asawa mo, hindi ka ba naapektuhan ng mga intriga sa pulitika? Wala ba siyang natanggap na mga  death threats sa pagtupad ng kanyang tungkulin?

 

“Actually, hindi naman ako, apektado. Ang buhay ko naman, sobrang low-key. Matino rin  kasi ang distrito sa lugar na pinanggalingan ko. I’ve been sorry for people who experienced and continue to experience nang ganoon. Nangyayari naman talaga iyon sa tunay na buhay pero hindi ko naranasan because our lives are a complete opposite doon sa mga nababalita at napapanood natin”, paliwanag niya.

 

Ano’ng pagkakaiba ng buhay mo ngayon bilang asawa ni dating Congressman Jules Ledesma kumpara noong nasa public office pa siya?

 

“ Kung ano ang iyong ginagawa ko noon, ganoon pa rin naman ang ginagawa ko ngayon. Ganoon lang kasimple ang buhay ko. I’m happier that way. Siyempre, iyong iba nag-e-expect na dahil galing ka sa pulitika o sa showbiz, you have to be a certain person. Na dapat may mine-maintain kang image. Na dapat hindi ka na nagtratrabaho. Na dapat pampered ako. Ako kasi, I always go against the grain dahil rebelde ako. Walang pagbabago dahil ganito talaga ako”, pahayag niya.

 

Dagdag pa ni Assunta, mababaw lang daw ang kaligayahan niya sa buhay.

 

“Hindi ako mahilig na maghangad ng kung anu-ano.  This is the way I am raised. Talagang low profile lang talaga ako.  Hindi nga ako mahilig sa fanfare. Even sa social media, sabi nila, boring daw ang mga posts ko. Hindi kasi ako masyadong ladylike dahil boyish talaga ako noon”, aniya. “Kung may pagkakaiba man iyong buhay namin ngayon, it’s the time. Ngayon, hindi ko na kailangang makihati sa oras. Mas may time na kami ni Jules  for each other. Happy naman ako dahil business is doing good naman and hopefully, ang daming pumapasok na investors”, sey niya.

 

Bagamat palasak na, hindi rin minamadali ni Assunta ang magkaroon ng baby kay Jules.

 

“Everything naman happens for a reason. God must be a little early or a little late. For the past 10 years kasi, kami ng asawa ko, salo nang salo ng obligasyon. Ang asawa ko kasi, heredero. Marami siyang namana. Ang problema kasi is how to distribute them pero idi-distribute rin naman namin sa mga workers iyong 40%. So, mabusisi iyon kaya siguro hindi kami magkaroon ng anak. Hindi siya tumitigil sa pagtulong pero unfortunately, merong nasa-sacrifice”, aniya. “Actually, noong nag-asawa ako, mas may kalayaan pa nga ako. Iba kasi ang discipline ng parents dahil mas istrikto sila noon. Ako, mas free spirited ako ngayon. Nagagawa kong umarte dahil hindi ako pinagbabawalan ng asawa ko ”, dugtong niya.

 

More than the acting, nahirapan si Assunta sa dancing dahil flamenco enthusiast ang role niya sa “Higanti”.

 

First time rin daw niyang makaganap na asawa ng pulitiko sa pelikula.

 

Ang “Higanti” ay kuwento ng isang pamilya na ang ama ay isang  tiwaling  pulitiko na magkakaroon ng problema sa kanyang kerida.

cast-of-higanti-with-ms-cancio

 

May mga issues dito tungkol sa  politics at media killings, pang-aabuso sa mga kababaihan, mga problemang pinagdadaanan ng mga batang ang mga magulang ay naghihiwalay at iba’t iba pang napapanahong tema.

Mula sa Gitana Productions ni Ms. Maria Teresa Cancio, ang “Higanti” ay mula sa panulat nina Esmeralda Cortez, Bimbo Papasin at Mario Mendez  at sa direksyon ni Rommel Ricafort .

Maliban kay Assunta, tampok din dito sina Jay Manalo, Meg Imperial, Alwyn Uytingco, Jon  Lucas, Kiko Matos at marami pang iba.

Photos Courtesy of Erickson dela Cruz

Leave a comment