June 8, 2025
Atty. Topacio takes legal action on Jake-Andi custody case
Latest Articles

Atty. Topacio takes legal action on Jake-Andi custody case

Apr 7, 2017

Naghain ng petition for joint custody last month si Jake Ejercito sa San Juan Municipal Trial Court para sa anak nila ng kanyang dating karelasyon na si Andi Eigenmann na si Ellie.

Si Atty. Ferdinand Topacio ang tumatayong legal counsel ni Jake.

Sa panayam namin kay Atty. Topacio, sinabi niya na hindi raw sana sila magsasalita tungkol sa kaso, na wala raw silang plano na ipaalam ito sa publiko. Kaya lang nagsalita raw tungkol dito si Andi nung ma-interview siya kamakailan kaya nag-decide na rin daw sila na magsalita.

Sabi ni Attty. Topacio, “No one would have known, e. Walang nakakalaam, e. Siya lang naman ang bibigyan ng summons, e, hindi naman public yung summons. Pinagkabilin-bilin nga namin na kapag binigyan, quiet lang. Pinakiusapan namin yung mga personnel nung court, for the sake of the child na, ‘Can we keep it as a secret?’ Pero wala na, the cat is out of the bag, so to speak. Ano pang magagawa natin?”

Gagamitin daw ng kampo ni Jake ang DNA test nito kay Ellie upang tanggapin ng korte ang kanilang petisyon.

“The DNA test, which was conclusive… sabi ko nga kanina, ang margin of error nun ay .01 percent, even in court, that is accepted as evidence. Yung sinabi ni Maxine, that conclusively proved that Jake Ejercito is the biological father.”

Ang tinutukoy ni Atty. Topacio ay ang ginawang pag-amin ng half-sister ni Andi na si Maxine Eigenmann sa podcast ng programa ni Mo Twister na Good Times With Mo, noong Setyembre 2016, na si Jake ang tunay na ama ni Ellie.

*********************************************************************

Nag-work shop si Mariveles Bataan Councilor Jaja Castaneda sa ABS-CBN 2 noong 12 years old siya dahil gusto niyang matutong umarte.

jaja

Pangarap niyang maging isang theater actress, na makalabas sa isang musical.  Pero after ng workshop niya ay nag-concentrate muna siya sa pag-aaral kaya hindi niya napagtuunan ng pansin ang maging isang theater actress.

“Actually po, ang priority ko talaga that time is school.  Medyo academically grade conscious po ako. Bale ang goal ko po talaga, makapasaok ng UP, kaya kailangang alagaan ko yung grades ko nung high school.  Yung daddy ko rin kasi, giusto niyang focus muna ako sa pag-aaral.  Hanggang noong nag-aral na po ako sa UP, parang hindi ko na po naisip yung gusto kong lumabas sa isang musical theater,” sabi ni Coun. Jaja nang makausap namin siya.

Sina Rachelle Ann Go, Leah Salonga at Isay Alvarez ang mga hinahangaang theater actress ni Jaja.

Kung noon ang gusto lang ni Coun. Jaja ay maging isang theater actress, ngayon ay gusto na rin niyang maging isang artista.

“Guso ko na rin pong subukan ang umarte. Kung may audition po para sa isang certain role, willing po akong mag-audition. Alam ko naman po na mayroon akong ibubuga (sa acting). Ayoko pong mag-regret na kapag matanda na ako, sasabihin ko sa sarili ko na ba’t kasi hindi ko sinubukan.   At least po kung susubukan ko  ngayon, kahit hindi maging successful, masasabi ko po na at least, na-try ko.  Ayoko po yung ganun na regret ng regret na sa gabi, bago ka matulog, iisipin mo bakit hindi mo tinry kasi natatakot ka, parang ganun po.”

 Given a chance, ang gustong makatrabaho ni Coun. Jaja sa mga babaeng artista ay sina Angel Aquino at Dimples Romana. Paborito niya kasi ang dalawang aktres.

” Kasi po kahit anong role ang ibigay sa kanila, kontrabida o bida, ang galing nila,” papuri ni Coun. Jaja kind Angel at Dimples.

Sa mga aktor naman, ang paborito ni Coun. Jaja ay si Joshua Garcia.

Photo from Dreamscape's instagram account
Photo from Dreamscape’s instagram account

“Kasi ang galing po niyang umarte. Napanood ko po yung MMK nila ni Julia (Barretto), ang galing po niya.”

Leave a comment