
Author Ogie D gets to see real Erich Gonzales
WALANG KATOTOHANAN–Nakausap namin si Ogie Diaz sa isang meryenda at nilinaw niya na hindi totoong 40 thousand copies na ang nabebenta ng kanyang librong sinulat na Pak! Humor mula nang i-release ito noong nakaraang buwan.
Ang totoo, 4 thousand copies pa lamang.
“Ang printing lang ng libro ay 10 thousand copies, kaya paano naman akong nakabenta na ng 40 thousand copies,” paglilinaw ni Ogie.
DOCTOR SUPPORTS AUTHOR
Ang isa raw sa sumuporta at bumili ng Pak! Humor ay ang kaibigan ni Ogie na si Dra. Vicky Belo.
“Bumili siya ng libro worth 220,000.”
OGIE IN BLOOD SISTERS
Samantala, dalawa na ang TV show ni Ogie sa ABS-CBN 2.
Bukod sa sitcom na “Home Sweetie Home,” ay kasama rin siya sa bagong serye ng nasabing network na Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Isa itong action/suspense.
“Si Erich, tatlo ang mukha niya rito, triplets siya. ‘Yung isa niyang character, salbahe. Yung isa, sosyal. Ako ‘yung nasa mahirap side na Erich, kay Erica. Si Erica, bisaya siya, eh. So pati ako, nag-aaral mag-bisaya. Punto lang naman, not necessarily ‘yung malalalim na bisaya. Kunwari nasa Davao kami. Ako ‘yung nag-aalaga nung anak ni Erica, kasi nakikipagsapalaran pa siya sa buhay.”
Ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Ogie si Erich sa isang serye. Kamusta ang bonding nila ni Erich sa set?
“Ako kasi tsini-chika ko ‘yung isang artista ‘pag first time kong naka-work para hindi nako-conscious sa akin. Kasi ‘yung iba, ang tingin sa akin, reporter, TV host, taga-media. Kaya pinapalagay ko muna ‘yung loob namin sa isa’t-isa.”

OGIE ON ERICH’S ATTITUDE
“In fairness kay Erich, nahihiya ako sa kanya, kasi minsan nauuna pa siyang dumating sa akin sa set. Napaka-professional niya at saka walang kaere-ere. Okey siyang katrabaho, hindi siya maldita.”
Sa balita naman na hindi raw maganda ang treatment ni Erich sa kanyang driver o nagiging driver, ang reaksyon ni Ogie, “Nakita ko ‘yung approach niya sa driver niya. Naka-uniform ‘yung driver niya. Tinatawag niyang kuya. “Kuya pakiligpit! Kuya, alis na tayo!”
OGIE WANTS A LESBIAN ROLE
Bukod sa dalawang TV shows ay may natapos ding pelikula si Ogie na “Recipe for Love.” Sa tanong namin sa kanya kung ano ang role niya sa nasabing pelikula, ang sagot niya (na natatawa ay), “Bakla!”
Dugtong niya, “Siguro naniniwala lang sila na kaya ko ‘yung character na bakla. Gusto ko namang gumanap ng tomboy, wala namang offer.”