
Award-winning actor Ronnie Quizon tackles a gay role in “Pusit”
by Archie Liao
Kakaibang Ronnie Quizon ang mapapanood sa pelikulang “Pusit”, ang pinakabagong obra ng veteran journalist turned filmmaker na si Arlyn dela Cruz.
Ang “Pusit” ay isang colloquial term para sa mga taong positibo sa AIDS or HIV.
“I play the role of a closet queen. Because of that, being so, marami akong hang-ups. Nagkaroon ako ng boyfriend na nanggagamit ng tao, kasama na ako”, kuwento niya.
Is this your first time to do a gay role?
“Not necessarily. Baby pa lang ako nang ma-cast ako sa “Facifica Falayfay”. Ako iyong batang Dolphy. Tapos sa mga TV, may mga Dolphy specials din akong nagawa. Then, I did also an episode sa MMK”, ani Ronnie.
Wala bang offer sa iyo do ‘screaming faggot roles’ tulad ng mga ginampanan noon ng iyong late father na si Dolphy?
“Wala pa. Pero willing naman akong gawin pero hindi para i-imitate iyong father ko. I guess, hindi lang ako ‘keen’ to be the next Dolphy or kilala ako as a comedian. Tulad ni Epy, he’s not only cast in doing comedies but also in dramas”, paliwanag niya.
Is this by choice?
“Hindi naman. Actually, nag-sit com na rin ako noon.”
Sa pagganap mo ng gay role, sino ang naging peg mo?
“Wala akong peg. I believe naman everybody has a masculine or feminine side, babae man siya o lalake. Kailangang i-explore mo lang naman iyong side na iyon para sa role na ipo-portray mo”.
Ano ang natutunan mo sa pagganap mo ng isang taong may AIDS?
“Actually, iyong misconception minsan na pag nagkaroon ka ng AIDS, pag-iisipin kang bading. Hindi nila alam, may iba’t-ibang paraan para makuha ang AIDS virus at hindi lang through sex.
Hindi nila alam na anyone could be a victim of AIDS kahit iyong inosenteng baby na hindi pa ipinapanganak”.
May mga kakilala ka bang taong may AIDS na pinagbasehan mo ng karakter mo?
“Meron, pero patay na sila. Bago sila namatay, I don’t even know that they had AIDS. Actually, these people should be treated with compassion. AIDS is a disease. It’s an illness and nobody wants it.”
Do you think that persons suffering from AIDS have equal chances in terms of opportunities like
employment in our society?
“Sadly, it’s the society that dictates that. Everybody wants to have a perfect world, but it doesn’t work that way. It’s a cruel world. In the same way na kapag ex-convict ka, a lot of people would not be willing to hire you especially sa mga uninformed na takot na baka magkasakit sila o mahawahan sila,”pagtatapos niya.
Dream project ni Ronnie na makasama ang kanyang mga kapatid na sina Eric at Epy Quizon sa isang proyekto na tulad niya ay mga award winners sa mga international filmfests.
Sina Eric at Epy Quizon ay nanalong best actor sa 2001 Brussels Intenational Film Festival para sa kanilang makatotohanang pagganap sa “Markova: Comfort Gay”.
Noong nakaraang taon naman ay nanalo si Epy ng best actor award in a featured film sa 2015 Manhattan Film Festival sa New York para sa kanyang US-Singaporean film na “Unlucky Plaza”.
Si Ronnie naman ay nagwagi bilang best actor sa 2014 Barcelona Film Festival para sa Cinemalaya movie na “Rekorder” ni Mikhael Red.
Bukod sa “Pusit”, tapos na rin ni Ronnie ang pelikulang “Birdshot” tungkol sa iba’t-ibang anyo ng korupsyon .
Nasa cast din siya ng bagong proyekto ni Carlo J. Caparas kasama sina Richard Gutierrez at John Arcilla, tungkol sa Mamasapano incident.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com