May 22, 2025
Award-winning child actors talk about their film“Ang Guro Kong Di MarunongMagbasa”
Featured Latest Articles

Award-winning child actors talk about their film“Ang Guro Kong Di MarunongMagbasa”

Nov 16, 2016

Napakalaki ng cast ng pelikulang “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa”( My Teacher Who Doesn’t Know How to Read)” , ang first full-length directorial job ng theater, television at film actor na si Perry  Escaño, na siya ring festival director ng taunang Singkuwento International Film Festival.

 

Ang “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa”( My Teacher Who Doesn’t Know How to Read)” ang isa sa mga pinalad na napiling kalahok sa 2017 Cinemalaya na gaganapin mula Agosto 4 hanggang 13 sa susunod na taon.

 

Itinuturing na ‘casting coup’ ito dahil puro mga award-winners ang mga batang lead actors nito na sina Marc Justine Alvarez III, Miggs Cuaderno, Micko Laurente at Bon Lentajeas.

aasim

Si Marc Justine Alvarez III na isang Kapuso artist ay nanalo bilang best actor sa pelikulang “Transit” ni Hannah Espia noong 2013 Cinemalaya.

basil

Si Miggs Cuaderno naman na isa ring GMA-7  contract artist ay nagwagi bilang best supporting actor sa pelikulang “Children’s Show” ni Derick Cabrido noong 2014 Cinemalaya.  Nakasungkit din siya ng una niyang international acting award sa Cheries-Cherie International Film Festival sa France para sa kanyang makabuluhang pagganap sa pelikulang “Quick Change” ni Eduardo Roy, Jr. na naging kalahok sa 2013 Cinemalaya. Tinanghal din siyang best child performer sa 2015 Famas para sa pelikulang “Asintado” ni Louie Ignacio na isa ring Cinemalaya movie.

miko-laurente

Si Micko Laurente naman ay nanalong best supporting actor sa pelikulang “Pitong Kabang Palay” ni Maricel Cariaga sa kauna-unahang To Farm Film Festival na idinaos noong  Hulyo ngayong taon. Nanalo na rin siya bilang  best actor at nag-uwi ng Golden Elephant trophy para sa pelikulang “Bambanti” ni Zig Dulay sa 19th International Children’s Film Festival na ginanap sa Hyberabad, India noong Nobyembre, 2015.

 

Si Bon Andrew Lentajas naman ay tinanghal na best supporting actor para sa pelikulang “Hamog” ni Ralston Jover sa 2015 Cinemaone Originals filmfest.

aaquil-anf-child-warriors

Napapanahon ang kuwento ng “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa” dahil base ito sa mga tunay na pangyayari tungkol sa mga child warriors na dahil sa kaguluhan sa Mindanao ay napagkaitan ng pagkakataong makapag-aral at mabigyan ng disenteng edukasyon.

 

Ako po si Aasim. Mabait po siya at nangangarap na makapag-aral pero namatay po iyong nag-aalaga sa kanya pero nagpursige po siyang makapag-aral”, paglalarawan ni Marc.

 

Iyong karakter ko po rito ay si Kareem. Gusto po niyang paglaki niya ay maging guro, pero dahil sa labanang nangyayari sa kanilang lugar, parang nwalan na siya ng pag-asa”, ani Micko.

 

Ako naman po si Basil. Isa siyang batang rebelde. Pinatay po ng mga militar ang mga parents niya. Kinupkop po siya ng mga rebelde at tinuruang humawak ng baril para pumatay hanggang isang araw, nakatagpo po niya si Aquil (Alfred Vargas), at sa engkuwentro, naagaw  po niya iyong baril sa akin at tinamaan po ako sa paa. Kinupkop po niya ako at naging kaibigan niya at naging mabait po iyong karakter ko sa kanya”, paliwanag ni Miggs sa kanyang karakter.

 

Ako naman po ang gaganap na batang Aquil. Happy po ako dahil ako ang napiling gumanap ng batang Alfred Vargas na isa pong magsasaka na naging guro”, ayon kay Bon.

 

Ayon pa sa kanila, bagamat maselan ang kanilang mga papel bilang mga batang rebelde ay naipaliwanag naman daw ito sa kanila ng kanilang director.

 

Iyon naman pong mga child warriors, meron naman po talagang ganoon sa Mindanao. Siyempre, kaya po sila naging rebelde dahil nagagalit po sila dahil corrupt po iyong namamahala sa kanila at kinukurakot po ang pondo na dapat sana ay laan sa kanilang pag-aaral”, paliwanag ni  Miggs.

 

Ayon naman kina Micko at Marc, hindi sila naniniwalang magbibigay ng masamang ehemplo sa kabataan ang kanilang mga roles.

 

Trabaho lang naman po siya at ipinakikita naman po rito ang kahalagahan ng edukasyon”, ayon kay Micko.

 

Nangyayari naman po talaga siya at doon po kinuha ang kuwento namin”, ani Marc.

 

May panawagan naman si Bon sa mga kinauukulan tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga batang rebelde sa Mindanao.

 

Sana po, tulungan sila ng ating gobyerno para makapag-aral po sila”, sey ni Bon.

 

Bukod sa lead actor na si Alfred Vargas na magbibigay-buhay kay Aquil, isang illiterate farmer, kasama rin sa cast ng “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa” sina Lou Veloso, Mon Confiado, Kiko Matos, Madeleine Nicolas, Ernie Garcia, Bong Cabrera, Jess Evardone, Rob Sy, Leon Miguel, Richard Manabat,  Paul Sy, Abel Napuran at Marife Necesito.

 

May mga importante ring mga papel ang mga Kapamilya actresses na sina Loren Burgos at Garie Concepcion at ang mga Kapuso talents na sina Jhoanne Marie Tan at Lianne Valentin.

 

Sa pelikulang “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa” ipakikita ang walang katapusang siklo ng karahasan kung ang karapatan sa disenteng edukasyon ay ipinagwawalang-bahala ng mga kinauukulan.

Leave a comment