May 22, 2025
Award-winning filmmaker Maricel Cariaga is a farmer
Faces and Places Latest Articles Movies T.V.

Award-winning filmmaker Maricel Cariaga is a farmer

Jul 25, 2016

Archie liao

by Archie Liao

maricel caragaMasayang-masaya ang acclaimed filmmaker na si Maricel Cariaga na sa unang pagsabak pa lang niya sa full-length  film sa pamamagitan ng kanyang obrang “Pitong Kabang Palay” ay humakot na agad ito ng anim na awards sa katatapos na awarding ceremony ng kauna-unahang ToFarm Film Festival na ginanap sa Makati Shangrila Hotel kamakailan.

“Hindi ko nga inaasahan na hahakot siya ng awards. Ang dasal ko lang talaga sa Diyos, sana makuha niya iyong best screenplay award dahil nasa puso ko talaga ang pagsusulat. Sobra-sobra pa siya sa ini-expect ko”, bulalas niya.

Puring-puri ni Direk Maricel ang kanyang cast na nanalo rin sa jury special award for best ensemble.

“Sobrang nakakataba ng puso dahil nanalo rin siya ng best ensemble. Iyong cast ko at iyong mga batang makukulit, ang gagaling nila. They are very natural actors”, aniya.

maricel caraga and cast2Nagpapasalamat din siya sa award-winning screenwriter na si Bing Lao at sa kanyang  “Found Story” workshop kung saan nahasa ang talino niya sa pagsusulat ng mga dulang  pampelikula.

Nakatulong din na sa tunay na buhay ay isa siyang magsasaka para maisulat niya ang kuwento ng “Pitong Kabang Palay”.

“Farmer din kasi ako. It’s my personal story. Mula bata pa, nagsasaka na ako.  Iyong istorya ng “Pitong Kabang Palay” is from harvest to harvest.  Galing siya sa mga karanasan ko.Para sa batang si Balong na karakter sa pelikula, siya iyong nagbibilang kung hanggang saan tatagal iyong pitong kaban nila bilang kasama o porsiyentuhan sa pagsasaka sa panahon ng “gawat” o iyong panahong wala silang kita at trabaho dahil katatapos lang ng ani,” paliwanag niya.

Ginawa raw niya ang “Pitong Kabang Palay” para magbigay pugay sa mga magsasaka at maging kasangkapan kahit papaano para maiparating sa mga kinauukulan ang mga problemang kinakaharap nila.

“ Sana kahit sa pamamagitan ng pelikulang ito, maging eye opener siya sa mga kinauukulan o sa gobyerno para tulungan ang ating mga farmers na magkaroon ng sustainable means of livelihood sa panahong wala silang kita o pagkatapos ng anihan”.

pitong kabang bigasAno ang plano mo pagkatapos mong manalo ng awards para sa “Pitong Kabang Palay”?

“May mga nag-o-offer na sa akin na sulatin ko ang second part ng “Pitong Kabang Palay”. Hindi ko alam kung saan ko siya ipapasa. Hindi ko pa alam kung isu-submit ko sa ToFarm o baka gawin ko with an outside producer”,sey niya.

May ideya ka na ba kung ano ang magiging kuwento ng ikalawang aklat nito?

“Pinag-iisipan ko pa kung ire-retain ko ang original cast. I’m still figuring it out. Siguro, magsisimula iyong kuwento doon sa part na umalis si Nanay at kung ano ang nangyari sa mga bata at pati kay Tatay noong umalis siya o baka mag-jump ako ng ilang taon. Kung ano ang naging buhay nila pagkatapos”, pagwawakas niya.

Ang “Pitong Kabang Palay” ay humakot ng best supporting actor para sa child actor na si Micko Laurente at second best picture sa katatapos na awards night.

Sa mga technical awards naman ay nakamit nito ang best sound para kay Arnel de Vera at best music para kay Lorenzo Nielsen.

Wagi rin ito ng special jury award para sa best ensemble acting na kinabibilangan nina Arnold Reyes, Sue Prado at mga batang actors na sina Micko Laurente,  Precious Miel Espinosa at  Alfonso Ynigo Delen.

Ang “Pitong Kabang Palay” na isa sa anim na kalahok sa kauna-unahang ToFarm Film Festival  ay may extended run sa SM Megamall mula Hulyo 20 hanggang 26.

Ang kauna-unahang ToFarm Film Festival ay brainchild  ni Mrs. Milagros How, ang butihing executive Vice President ng Universal Harvester, Inc. sa pakikipagtulungan ng Production 56 at MPJ Productions with  award-winning director Maryo J. delos Reyes as festival director.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply