May 23, 2025
Award-winning young actress Barbara Miguel looks forward to more challenging roles
Latest Articles

Award-winning young actress Barbara Miguel looks forward to more challenging roles

May 6, 2015

by Arsenio “Archie” Liao

1016NUWEBE2Sa murang edad niya ay nanalo na siya as Best Actress award sa ‘8th Harlem International Film Festival’ para sa Cinemalaya movie na ‘Nuwebe’ na idinirehe ni Joseph Israel Laban. Papel ng isang dalagang ina na nabuntis ng kanyang ama na ginampanan ni Jake Cuenca ang maselang role ni Barbara sa naturang pelikula.
Sa kanyang bagong kontrobersyal movie na ‘Tres Marias’ muling magpapakitang gilas ang batang aktres bilang si Aleta, isang batang ina na naman ang kanyang papel.
Anong pagkakaiba ng ginampanan mo noon sa ‘Nuwebe’ kumpara rito sa ‘Tres Marias’?

Sa ‘Nuwebe’ po, na-rape po ako doon pero dito po sa ‘Tres Marias’ nag-asawa po talaga ako sa murang edad. Bale, ipakikita rin po rito ang responsibilidad na kasama ng pagiging ina at ng pag-aasawa,” tugon niya.
Napaka-credible mo sa ‘Nuwebe’ at ngayon muli kang sasalang sa isa na namang mapangahas na papel. Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo rito?

Role lang po iyon, pag-arte lang po lahat. Ipinapaliwanag naman po sa akin ng director, kung ano iyong gagawin ko, yung kailangan sa eksena at saka igina-guide naman ako ng Mommy ko kung may hindi po ako naiintindihan sa role ko,” paliwanag ni Barbara.
Sa palagay mo ba, may nagawa ang pagkapanalo mo ng international award at pagganap sa ganito ka-seryosong papel sa career mo sa GMA?

Nakilala nga po ako na kaya kong gumawa ng mga mahihirap na roles kasi hindi naman lahat ng batang artista kayang gampanan ang ganitong karakter,” tugon niya.
Sa ‘Tres Marias,’ makikipagtagisan ng galing si Barbara kina Therese Malvar at Angeline Nichole Sanoy sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan mula sa BG Films.
Ayon pa kay Barbara, name-miss na rin niya ang gumanap ng kontrabida roles tulad ng binigyang-buhay niya noon sa ‘Munting Heredera’ kung saan siya nakilala.
Para maging balanse ang lahat, ginagawa rin niya sa kasalukuyan ang ‘Flat Sun,’ isang movie about surfing under Jay Abello’s direction kung saan ayon sa edad niya ang kanyang ginagampanan. Isang sweet at pa-tweetums ang kanyang role na magkakaka-crush sa child actor na si Adrian Cabrido.

Leave a comment

Leave a Reply