
Ayen Munji-Laurel relates to a musician’s passion in “Born for You”
by Archie Liao
Maraming proyektong ginawa si Ayen Munji-Laurel sa GMA-7 kaya napagkakamalang naka-kontrata pa rin siya sa nasabing network as a Kapuso artist.
Gayunpaman, nilinaw ng magaling na singer-actress na hindi siya nakatali sa anumang network sa kasalukuyan.
Kaya naman nang dumating sa kanya ang offer na gumawa ng soap sa ABS-CBN ay labis niya itong ikinatuwa.
“It’s a dream come true . It’s my first teleserye on ABS and I enjoy the experience”, aniya.
Paano ka nakumbinsi na tanggapin ang offer na maging ina ni Elmo sa “Born for You”?
“Hindi na talaga kailangang i-convince dahil I love the story at iyong role ko. Before naman talaga, kumakanta-kanta na ako at nagpe-perform back in “Rama at Sita” days. Then si Ariel Rivera pa , si Vina, si Elmo at si Janella ang makakasama ko na pare-parehong kumakanta. Tapos, you have this project na strong ang connection ng music sa story kaya nakaka-relate talaga ako”, paliwanag niya.
Kontrabida ang role ni Ayen sa “Born for You” pero challenging daw ito para sa kanya.
“Hindi naman siya iyong tipong gustong maging kontrabida talaga. May back story siya kung bakit ganoon siya at dahil na rin iyon sa mga conflicts niya sa kanyang pamilya”, bulalas niya.
Tungkol sa red string of fate or destiny ang “Born for You”, naniniwala ka ba sa ‘destiny’?
“Naniniwala ako na lahat tayo, alam na ang magiging destiny hindi lang sa pag-ibig. Ang buhay natin, nakaplano na ayon sa Diyos. But I believe that destiny is not a matter of chance but of choice. We have the freedom to choose our destiny. We have our freedom to choose our own happiness. I believe, in this life, there’s someone who is destined for you”, matalinhaga niyang pahayag.
Ayon pa kay Ayen, hanga siya sa dedication at professionalism nina Elmo Magalona at Janella Salvador na kanyang mga kasama sa kiligseryeng “Born for You”.
“They’re committed to their craft. Na-discover ko rin na they do get along well. Sa kamera, seryoso sila pero may funny side din sila kapag offcam at nakaka-relate din ako sa kanila kasi may mga anak din akong millenials . I think, they’re both destined for greatness”, pagwawakas niya.
Sa “Born for You”, napakahalaga ng role ni Ayen dahil siya ang susi sa nawawalang komposisyon na nilikha ng asawa ni Vina (Morales) na ginagampanan ni Bernard (Palanca).
Mula sa Dreamscape Entertainment, ang “Born For You” ang kauna-unahang kiligserye nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
Bukod kay Ayen, kasama rin sa cast sina Ariel Rivera,Vina Morales, Gina Pareno, Freddie Webb, Bernard Palanca, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Kyline Alcantara, Francis Magundayao, Ogie Diaz, Neil Coleta, Smokey Manaloto, Katya Santos, DJ Durano, Thou Reyes, Paolo O’hara, Alfred Labatos, Young JV at marami pang iba.
Ito ay mapapanood na simula sa Hunyo 20 sa Kapamilya primetime block pagkatapos ng “Dolce Amore”.
Ito ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.