May 22, 2025
Baby Go announces film projects; KBP supports ABS-CBN
Latest Articles

Baby Go announces film projects; KBP supports ABS-CBN

Feb 11, 2025

Napakasaya ng ginanap na 60th birthday celebration ni Ms. Baby Go na ginanap sa Valle Verde Country Club. Dumalo ang pamilya, mga kaibigan, ilang artista, mga direktor, at mga kaibigan sa entertainment press. Masayang ibinalita ng film producer na muling magiging aktibo ang kanyang kumpanya sa pagpo-prodyus ng mga de-kalidad na pelikula at mainstream projects.

Sa kabila ng mahirap na kalagayan ng industriyang Pilipino ay ibinahagi ni Ms. Baby Go na “full blast” ang kanyang pagpo-produce simula ngayong 2025. Sinabi niya na ang pagprodyus ng pelikula ay kanyang “passion.” Mostly mainstream movies ang nakatakda niyang gawin na pagbibidahan ng mga sikat na artista. Ngunit hindi puwedeng mawala ang mga pang-international film festival na planong ilaban muli sa international film festival kung saan nakilala ang BG Productions. Naka-lineup ang mga pelikulang gagawin nina Joel Lamangan, Louie Ignacio, Lester Dimaranan ( sa proyektong co-produce nila ni Atty Topacio ng Borracho film), Ralston Jover, Adolfo Alix Jr, at  Zig Dulay.

Masayang-masaya si Mam Baby at super excited sa mga nakalinyang pelikula na gagawin ng kanyang produksyon. Siyempre hidni mawawalan ng proyekto ang kanyang mga BG babies na sina Allen Dizon (na paborito ng kanyang kumpanya), si Kate Brios, Rhea Usares, at ilang mga baguhang talent na ipapakilala soon.

Sa mga susunod na araw ay isa-isang ibabahagi ng BG Productions, ang mga proyekto na gagawin nila with final casting. Kaabang-abang dito ang mga proyektong gagawin sa Brazil, Bahrain, at Australia. 

Sa pagtatapos, naibahagi rin ni Mam Baby Go ang pagtakbo ng kanyang party-list no. 146, ang “Bagong Pilipinas.” Para sa kanya, kung papalarin, matutupad ang kanyang pangarap na palawakin ang pagsisilbi sa bayan.

Sa nasabing okasyon ay present din ang film producer na si Atty. Ferdie Topacio at natanong ito ni yours truly kung ano na ang nangyari sa gagawin nilang The Gringo Honasan Story na pagbibidahan ni Robin Padilla.

“Hindi na matutuloy kasi nalakihan sa gastos si Gringo. Pero gagawa pa rin ako ng pelikula para kay Robin Padilla at naghihintay lang ako ng tamang panahon,” pag-amin ni Atty. Ferdie Topacio na tipong mas naging gwaping at napaka-friendly pa rin sa lahat.

***

Full support ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o ang KBP sa pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ito ang kinumpirma ng abogado ng KBP na si Atty. Rudolph E. Jularbal sa isinagawang briefing ng House Legislative Franchises Committee hinggil sa franchise ng ABS-CBN nitong nagdaang February 4.

“First of all, KBP supports the grant of franchise to ABS-CBN. I would like to start by saying that ABS-CBN was a very active member of the KBP,” pahayag ni Atty. Jularbal.

Pinuri rin niya ang ABS-CBN sa kakayahan nitong mag-produce ng magandang mga palabas na kayang makipagsabayan sa kompetisyon noong sila ay umeere pa sa free TV.

Well, sana nga ay mabigyan na ng prangkisa ang ABS-CBN para naman muling sumaya ang TV industry natin at muling makabalik ang mga empleyado ng Kapamilya na nawalan ng trabaho buhat nang ipasara noon ni Ex-President Duterte. 

Leave a comment