
Back on managing: Jojo Veloso creates all male and all female group
Dahil sa usong -uso ngayon ang mga Boy Band at mga All Female Group sa ating mga telebisyon ay minabuti ng nagbabalik showbiz manager na si Jojo Veloso ang maki sabay sa uso. Katunayan nito ay ang isang All Male at isang All Female Group ang binuo ni Veloso na iko co-manage ng Viva Entertainment.
The Fabulous Girlfriends at The Brat Boys ang ipinangalan niya sa mga eto,na binubuo ng tig aanim na mga nag gagandahang at nag gagwapuhang teenagers na nasa edad 15 at 19 anyos.
Nag pa audition si Veloso from among his contract artists sa kanyang tinayong ahensiya ang Faces International Artist Management,( na ang layon ay para mag hubog ng mga bagong talento para maging artista at modelo sa mga tv komersiyal ) at sila ang mga sinwerteng napili para mabuo ang mga nasabing grupo.
Ang The Fabulous Girlfriends ay binubuo nina AYRA MEDINA, ANGELI REVILLA, ALYANNA SANTIAGO, AYUMI TAKEI, AYESHA MAXIMO at AJ RAVAL ( anak ni Jeric Raval).
At ang The Brat Boys ay kinabibilangan ni REX ROQUE, VICTOR ROSALES, ADRIAN ARIAS, RED CAPARAS, ROMCEL BRINQUIS at XANDER PINEDA.
Bukod sa ganda ng mukha ang pinaka importanteng kwalipikasyon sa pag pili sa kanila ay ang kanilang galing sa pag sayaw at pag kanta.Pero ganun pa man, patuloy pa rin silang hinuhubog at nag eensayo sa Viva Dance Studio tuwing weekends bago sila ipresenta sa publiko.
Pero naka pag perform na din sila sa mga ilang major events and concerts, at nitong nakaraang linggo ay naging pangunahing panauhin ang grupo sa isang malaking Fashion Event sa Araneta Center na ikinagulat ni Veloso sa dami ng mga followers at supporters ng grupo ang dumalo na nag mula pa sa malalayong lugar tulad ng Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna, Rizal at Metro Manila.