May 22, 2025
Baguio vacation, double purpose for Lovi – advance birthday celebration and pre-Valentine date with Rocco; launches ‘Bigkas’ music video
Latest Articles Music

Baguio vacation, double purpose for Lovi – advance birthday celebration and pre-Valentine date with Rocco; launches ‘Bigkas’ music video

Feb 12, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

unnamed Masaya ang tatlong araw na bakasyon nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Baguio na kung saan ay advance silang nag-celebrate ng birthday niya at Valentine’s Day.

“Ang sarap ng weather doon ngayon, sobrang lamig. Sandali lang kami roon pero it is really fun, kain lang kami nang kain, tapos kinuha ko pa ‘yung tree top adventure,” kuwento niya .

Gusto sana nilang mag-beach pero pupunta siya ng Balesin (para sa kasal ni Heart Evangelista) kaya inisip ni Lovi na magpalamig na lang.

Last presscon ni Lovi ay sinabi niya na hindi pa niya masabi na si Rocco ang lalaking gusto niyang makasama forever pero si Rocco ay sure na si Lovi na ang gusto niyang mapangasawa.

“That’s sweet,” tumatawa niyang reaksyon.

“Let’s wait and see, marami pa kaming pagdadaanan,” sambit pa ng aktres.

 

26th birthday celebration and launching of ‘Bigkas’ music video

https://www.youtube.com/watch?v=SxXXv60k0Tc

Anyway, biglaan ang selebrasyon ni Lovi sa kanyang 26th birthday na kung saan ay launching ng music video ng kantang ‘Bigkas’ na duet nila ni Brian Sombero ng bandang Brisom na ginanap sa Cable Car Bar sa Bonifacio Global City kung saan ay isa sa may-ari ang magaling na aktres. Sa mismong araw lang daw siya nag-invite ng mga friends.

Sey ni Lovi, ngayon lang daw ulit siya nagkaroon ng birthday celebration after a very long time.

“Fist time ko actually, after a very, very long time, na magkaroon ng celebration talaga. Usually, ako lang mag-isa or nasa bahay lang ako. Hindi ako nagpa-party. Sabi ko nga, minsan-minsan lang naman magka-birthday, so, why not celebrate? So masaya ako, thank you guys for coming,” deklara niya.

Of course, nandoon ang boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Bigkas-Brisom-Launch-Poster

 

Rocco’s birthday gift for Lovi

Tinanong ng press si Rocco kung ano ang birthday gift niya sa girlfriend pero tugon niya, si Lovi na lang daw ang tanungin. Basta raw magagamit sa office.

iMac daw ang regalo niya ayon sa rebelasyon ni Lovi.

“Kasi, I have a spare room inside sa bahay ko. Plano kong gawing office din. He gave me a. . .’yung pinaka-top of the line na iMac. ‘Yun ‘yung pinost ko,” aniya.

Matagal na raw niyang gusto ‘yun pero hindi naman niya kailangan dahil may laptop naman daw siya. Binigay daw sa kanya ni Rocco ang iMac noong gabi ng salubong ng birthday niya. Nakita na lang daw niya ito sa doorstep ng kanyang bahay.

Masaya si Lovi na ganu’n ka-sensitive si Rocco sa kanyang feelings. Na alam nito ang gusto niya kaya ‘yun ang binigay sa kanya.

“He can buy me anything naman for a gift, eh. Pero he knows what I want,” deklara niya.

Samantala, sa Sunday ay may launching daw ang ‘Bigkas’ sa Sunday All Stars. Plano niya talagang balikan ulit ang pagkanta at gusto niyang gumawa ulit ng bagong album dahil ang huli pa raw niyang album ay noong 18 years old pa siya.

nacino2nacino
Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply