
‘Bahay Ampunan’, a long overdue film has finally been released; Stars Jake Vargas
Ipinalabas na nung February 25 ang indie film na ‘Bahay Ampunan’ mula sa MSV Entertainment Production na bida si Jake Vargas at mula sa direksyon n Neal “Buboy” Tan. Sa pelikula ay medyo bata pa ang itsura ni Jake. ‘Yun ay sa dahilang ginawa niya ito two years ago pa.
“Ngayon lang ilalabas ‘yung movie, hindi ko alam kung ano ang dahilan at natagalan. ‘Yung gumaganap na bunso kong kapatid dun, malaki na,” ang natatawang sabi ni Jake nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Kasabay din ang showing ng ‘Crazy Beautiful You’ na bida ang loveteam nina Daniel Padilla at Kahtryn Bernardo. Aminado si Jake na hindi niya kayang tapatan sa takilya ang pelikula ng KathNiel.
“Hindi namin kaya yun.”
“Alam ko naman na sikat na sikat sila ngayon, marami silang fans, pero sana panoorin din ng mga tao ‘yung movie namin.”
Nung nakaraang Valentine’s Day ay hindi na kasama ni Jake na nag-celebrate nito ang ka-loveteam niyang si Bea Binene.
“Kasama ko lang ang family ko, sa bahay lang kami.”
Ang sabi ni Jake sa huling interview namin sa kanya ay may pinagdadaanan sila ni Bea, na may problema sa relasyon nila na inaayos naman daw nila. So kung ganyang hindi sila magkasama nung Valentin’es Day, ibig sabihin ay hindi pa naaayos ang kanilang problema.
“Ganon naman talaga, ‘pag may problema, kailangang ayusin.
“Pero kapag may problema naman, hindi agad-agad naaayos,”
Pero may mga nagpapatotoo na hiwalay na talaga sila ni Bea?
“Hindi ko na lang pinapansin yun,”
How true na under siya ni Bea?
“Hindi naman po talaga totoo yun,” tanggi ni Jake
Pero ay pagka-nagger ba si Bea?
“Hindi rin po,” tanggi ni Jake
“Si Bea, mabait yan e, sobrang bait at mapag-alaga. Pero selosa rin, hindi naman maiiwasan ‘yung ganun,”
Sabi ni Derrick Monasterio, kung sakaling break na sina Jake at Bea ay posibleng ligawan niya si Bea. Ano ang reaksyon niya sa sinabing ito ng kanyang kaibigan?
“Below the belt na po,” sagot ni Jake
Pero bawi niya, “Pero okay lang? Kung mangyari man yun, okey! Sige!
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente