May 23, 2025
‘Bakwit Boys’ a celebration of OPM says T-Rex boss
Latest Articles

‘Bakwit Boys’ a celebration of OPM says T-Rex boss

Aug 15, 2018

Nakapagprodyus na ang producer na si Rex Tiri ng T-Rex Entertainment ng drama, comedy, horror at biopic, pero kakaiba ang pinakabago niyang handog na “Bakwit Boys” na isang romantic musical.

“Unang-una, mahilig ako sa music talaga. Tapos, pangarap ko talaga ang musical pero sabi ko, baka hindi kagatin ng tao. Naghanap talaga ako ng materyal na pupuwede siyang musical na hindi puro kantahan, puro sayawan, ganoon.

received_215404979319190

“Prinisent sa akin ni direk Jason Paul Laxamana iyong materyal. Sabi ko, ito ang hinahanap ko. At saka, gusto ko ring makatrabaho si direk Jason Paul. First time din namin na collaboration ni Jason Paul,” bungad niya.

Aware rin ang enterprising producer na isang malaking sugal sa kanya ang pagproprodyus ng isang musical.

“Lagi naman ang T-Rex, kahit noong nag-uumpisa pa lang, sobrang risk taker talaga. So, at ang gusto talaga naming gawin ay iyong mga unconventional na pelikula, and of course, open din naman kami sa mga conventional na mga stories and all.

“Sa pagiging risk taker ng T-Rex, iyong musical ang isa ulit na gustong gawin namin para mapanindigan namin ang pagiging risk taker namin,” paliwanag niya.

Hindi rin big name stars ang kinuha nila dahil gusto nilang magbigay ng pagkakataon sa mga baguhang may talino sa pag-arte.

“Binigyan ko si direk Jason ng authority na mamili ng cast pero inaprub ko rin siya. However, sabi ko kay Jason, sana ang bigyan natin ng pagkakataon ay iyong mga dreamers para medyo kapani-paniwala ang kuwento.

“Pag sobrang sikat ang kinuha natin, baka hindi siya ganoon na kapani-paniwala para makatotohanan talaga at sila ang dapat na maging part ng pelikulang ito,” aniya.

Naging konsiderasyon din daw sa casting na kailangang marunong kumanta ang mga artista nila.

“Importante talaga na ang pinili naming mga artista ay kailangang marunong kumanta. Si Devon, talagang marunong siyang kumanta at marunong umarte.

“Si Vance was part ng teatro nang matagal na panahon at magaling talaga siyang kumanta.

“Si Ryle naman ay naggigitara, ang role naman niya rito ay isang gitarista.

“Si Nikko lang ang hindi kumakanta dahil siya ang nagko-compose ng mga kanta.

“Si Mackie naman ay kinuha namin noong wala pa siya sa TNT boys. Katatapos lang ng grand finals noon at hindi siya nanalo at sobrang lungkot na lungkot siya.

“Tinawagan ko siya at sabi ko “Macky, gusto kong isa ka sa mga lead sa gagawin kong musical.” Tapos ngayon, malaking pangalan na ang TNT boys,” pagbabahagi niya.

Maging ang magaling na composer na si Jhaye Cura ay isang malaking discovery din ng T-Rex.

“Actually, sinabi sa akin ni direk Jason Paul na ang music na gagamitin ay all original Pilipino music. Binanggit niya na may composer na taga-Tarlac na kakilala siya, si Jhaye Cura. Sabi niya, ‘gusto kong bigyan ng chance kasi magaling siyang magsulat’. Sabi ko, sige, gawin na natin, saka na natin gawin ang mga kanta. At noong napakinggan ko ang mga kanta, sobrang gaganda,” bida niya.

“Actually, six original Pinoy compositions siya. Meron siyang pop version . Ang mga kumanta ay sina Ice Seguerra, Mark Oblea, isang up and coming talent, si Jay R at iyong T-Rex talent namin na si Sean Oliver.

“Naka-release na ito at available na siya sa Spotify at sa digital music stores. Actually, “Bakwit Boys” is a celebration of OPM,” pahabol niya.

Nakaka-relate rin daw siya sa kuwento ng “Bakwit Boys” dahil isa rin siyang promdi.

received_1936006270030921

“Actually, kuwento ito ng mga dreamers na talented, ng mga taong gustong mabigyan o naghihintay lang ng pagkakataon. Nakaka-relate ako kasi galing din ako ng probinsya.

“Ako’y produkto rin ng pagkakataon na magkaroon din ng konting suwerte na pumunta sa Maynila at magawa ang lahat ng mga ginagawa ko. Ang kuwento nito ay kuwento ng maraming tao dahil ang dami nating mga dreamers,” deklara niya.

Kahit hindi kumakanta o nagku-compose, feeling daw niya may special connection siya sa musika.

Ang “Bakwit Boys” ay kalahok sa ikalawang edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino at nagtatampok kina Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago at ang TNT member na si Mackie Empuerto.

Palabas na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Agosto 15.

Leave a comment