
‘Balatkayo’ exposes skin, scandal, OFW life
Palabas na sa October 11 sa mga sinehan nationwide ang pelikulang “Balatkayo.”
Siguradong magugustuhan ng “masa crowd” at maging ng “millennial crowd” ang “Balatkayo” na idinirek ni Neal Tan at isinulat ng box- office writer/director na si Jason Paul Laxamana na gumawa ng pelikulang “100 Tula Para Kay Stella.”
Ipinagmamalaki ni Direk Neal ang pelikula dahil isa ito sa mga pelikulang ginawa niya na ibinuhos at ginawa ang lahat para sa ikagaganda ng movie.
Tinitiyak niyang magugustuhan ito ng mga manonood. Nahirapan man siya dahil halos ang mga eksena ng pelikula ay kinunan sa ibang bansa ay sulit naman daw nang mapanood niya ito.
Naging inspirasyon sa pagbuo ng pelikula ang sunud-sunod na mga “sex scandal” na kinasangkutan ng mga sikat na personalidad at mga ordinaryong tao lalo na ng mga kabataan.
Sa kuwento ay may kumalat na “sex video” ng teenager na si James Robert na may frontal nudity sa pelikula (na ewan kung pumasa sa MTRCB).
Dahil sa video scandal, nagkagulo ang kanyang OFW parents na may kanya-kanya ng minamahal, si Aiko Melendez ay nagta-trabaho sa Singapore ay may lihim na relasyon sa isang OFW played by Rico Barrera samantalaang karakter ni Polo Ravales sa Dubai ay nahuhumaling sa magandang OFW played by Nathalie Hart.
Relatable ang mga eksena, madrama, natural ang pagkakasulat ni Laxamana at makatotohanang “execution” ni Direk Neal Tan.
Punong-puno ng maiinit na eksena ang “Balatkayo,” matindi ang “sex video” ni James Robert kasama ang baguhang si Kristine Barreto.
Sabi-sabi, naka-condom raw ang bagets sa full frontal nudity. Hindi rin pahuhuli sa maiinit na eksena sina Nathalie Hart at Polo Ravales na siguradong mag-iinit ang inyong dugo.
Kaabang-abang ang eksenang naka-white brief si Polo Ravales at nagtampisaw sa Jumera Beach sa Dubai habang todo-emote.
Bonus sa pelikula ang mga tourist spots sa Singapore, Dubai at Abu Dhabi kung saan actual na nag-shooting ang produksyon.
Kaabang-abang ang acting ni Gov. Emilia ng “Wildflower” na si Aiko Melendez.”

Dito sa “Balatkayo,” hindi “caricature,” hindi kontrabida, hindi rin martir ang karakter ni Aiko kundi isang ina na nagmahal, nasira ang pamilya pero pinilit bumangon at harapin ang katotohanan sa buhay.
Pinatunayang muli ng batikang aktres ang galing niya sa pelikula at siguradong marami na namang hahanga sa aktres.
Ang “Balatkayo” ay handog ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Distributed by Regal Films Inc. at bukod sa regular showing, nakatakda rin siyang ipalabas sa Singapore, Hongkong, Abu Dhabi, Dubai at Bahrain.