May 25, 2025
Bangs Garcia wants to do action movies like her idol Angelina Jolie
Latest Articles

Bangs Garcia wants to do action movies like her idol Angelina Jolie

May 8, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

11023229_1596851133893090_2087476522_n Napatunayan na ni Bangs Garcia na may ibubuga siya sa drama at comedy. Sa katunayan, nanalo na nga siya ng award sa ‘Gawad Pasado’ bilang best actress para sa kanyang kontrobersyal na role as battered wife sa pelikulang ‘Lauriana’ ni Mel Chionglo, entry sa kauna-unahang ‘Sineng Pambansa All Masters Edition’ noong taong 2013. Epektibo rin niyang naitawid ang kanyang role sa horror movie na ‘Segunda Mano’ kung saan nanalo naman siya ng best supporting actress noong 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ngayon naman, gustong subukan ni Bangs na mag-aksiyon. Malapit nang ipalabas sa Hunyo ang kanyang pelikulang ‘Pulis Maynila’ kung saan may mga deadly stunts siya.
Kaugnay nito, ayon pa sa aktres nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ay itotodo na niya ang pag-a-aksyon sa pamamagitan ng ‘Tupang Ligaw.’ Makakasama ni Bangs dito sina Matteo Guidicelli, Paolo Contis at Rico Barrera. Nag-training rin siya ng wushu in preparation for her roles sa action movies.

“Gusto ko kasing ma-try ang lahat. I don’t want to be redundant. Gusto ko, nare-reinvent ko ang sarili ko, hindi lang sa mga roles na ginagampanan ko kundi pati na sa mga ginagawa ko,” pahayag ni Bangs.

Nakilala ka bilang isang sexy actress. Willing ka bang higitan ang ginawa mong paghuhubad sa ‘Lauriana’ kung saan pinag-usapan ang mga controversial sexy scenes mo?

“Okay lang sa akin kung required ng role. Pero huwag lang frontal nudity,” tugon niya.
Aside from being an actress, isa ring magaling na singer, dancer at painter si Bangs. Multi-faceted artist nga siya kung tutuusin.
Lumipat na siya from Star Magic to Viva Talent Management Agency. Mayroon na rin siyang forthcoming album na kinapapalooban ng electronic pop. Nagpipinta rin siya at acrylic on canvas ang kanyang forte. Ayon kay Bangs, may pagka-impressionist at realist naman ang tema ng kanyang mga paintings na karamihan ay nagkaroon na ng exhibits sa iba’t-ibang galleries kasama na ng sosyal na Ayala Museum.
As a versatile actress na gumagawa ng action movies, exciting sa kanya ang gumawa ng mga death-defying stunts tulad ng idol niyang si Angelina Jolie.

Bahagi rin si Bangs ng isang TV show na ‘Art and Beauty’ kung saan co-hosts niya ang ilan sa mga respetadong beauty queens.

Leave a comment

Leave a Reply