May 22, 2025
Barbara Miguel enjoys doing gritty roles
Faces and Places Featured Latest Articles

Barbara Miguel enjoys doing gritty roles

Aug 3, 2016
By: Archie Liao
By: Archie Liao

Malaking karangalan ang iniuwi sa bansa ng pagkapanalo ng child actress na si Barbara Miguel bilang best actress sa 8th Harlem International Film Festival para sa Cinemalaya movie na “Nuwebe” ni Joseph Israel Laban, kung saan buong husay niyang ginampanan ang papel ng isang batang ni-rape ng kanyang ama at dumanas ng trauma dahil sa kanyang naging karanasan.

1-2-3 poster

 

Ngayon naman, muli na namang nahaharap sa kakaibang hamon si Barbara dahil papel ni Lulu, isang batang babae na biktima ng human trafficking ang kanyang role sa pelikulang “1-2-3” ni Carlo Obispo, isang Cinemalaya alumnus na nakilala sa kanyang pelikulang “Purok 7”.

 

 

Nae-enjoy mo pa ba ang kabataan mo?

“Nae-enjoy naman po. Sa pag-aartista ko po kasi, priority ko po ang trabaho ko”, aniya.
“Gusto ko kasing makatulong sa Mama ko at sa mga kapatid ko”, dugtong niya.

 

Sa murang edad mo, ang mga natotoka sa iyong mga roles ay mga seryosong roles tulad ng na- rape, minolestiya o kaya’y nabuntis at ngayon nama’y biktima ng human trafficking. May mga pagkakataon ba na naramdaman mo na parang minamadali kang mag-mature dahil sa direksyon ng career mo ay ganitong kabibigat na roles agad ang ginagampanan mo?

 

“Hindi naman po. Hindi naman siguro nila ibibigay sa akin iyong ganitong mga roles kung hindi nila alam na kaya ko silang gampanan. Ako naman po, gusto rin po iyong makilala ako sa serious acting. Simula po kasi noong “Nuwebe”, bigla na lang nagdatingan iyong mga ganitong roles kaya proud po ako dahil hindi naman po lahat nakakagawa ng ganoong klase ng roles”paliwanag niya.

 

Maselan ang klase ng role na ginagampanan mo sa “1-2-3” at sensitibo rin ang tema ng pelikula. Hindi ka ba nagwo-worry sa magiging impact ng role mo bilang role model sa kabataan?

 

“Trabaho lang po iyong ginagawa ko. May advocacy po iyong pelikula tungkol sa human trafficking. May moral naman po iyong story, para doon po sa naniniwalang ang katuparan ng kanilang mga pangarap ay matatagpuan lamang po sa city na minsan ay siya pa nilang ikinapapahamak”, paglilinaw niya.

 

Hindi ka ba natatakot na ma-type cast ka sa mga ganitong roles at hindi ka na makabalik sa mga teeny booper roles na siyang sakto at angkop lang sa iyong edad as a teenager?

 

“Hindi po. Dito po sa “1-2-3”, biktima po ako ng human trafficking sa isa pong casa pero, iyon po namang sa “Flotsam” na mapapanood din po dito sa Cinemalaya, sakto lang po siya sa edad ko. About puppy love po kasi iyong kuwento tungkol po sa probinsiyana na may crush sa kanyang best friend na ginagampanan po ni Adrian Cabido na ang crush naman ay si Mara Lopez po na mas matanda po sa kanya”.

 

Hindi mo ba pinangarap na magkaroon din ng ka-love team sa pelikula para masabing puwede ka rin palang magpakilig sa mga teeny booper roles?

 

“Siguro po,kapag napanood nila iyong “Flotsam”. Sana po , mapansin nila ako sa pelikula. Kasi, maganda po iyong pelikula. Sana kapag nakita nila iyong pelikula, maisip po nila na puwede rin pala ako sa mga ganoong roles at shows po”, aniya. “Pero kung ganito pong klaseng roles na mabibigat ang ibigay nila sa akin, okey lang po sa akin”, pagwawakas ni Barbara.

 

barbara miguelSi Barbara ay kasama rin sa cast ng requel ng “Encantadia” kung saan ginampanan niya ang role ng batang Pirena.

Ang “1-2-3” ay tungkol sa paghahanap ni Luis, isang binatang naninirahan sa isang fishing village sa Silag, sa kanyang nawawalang kapatid na si Lulu, na biktima ng human trafficking. Habang abala sa paghahanap, nahaharap din siya sa mga isyu ng kanyang pagbibinata.

Tampok sa cast bilang Luis si Carlos Dala at Barbara Miguel bilang Lulu.

Kasama rin sa cast sina Therese Malvar , Sue Prado, Patricia Javier at marami pang iba.

Ang “1-2- 3” ni Carlo Obispo ay ang opening film ng Cinemalaya 2016 sa pagbubukas nito sa Agosto 5.

Leave a comment

Leave a Reply