May 23, 2025
Barbie Forteza relives controversial 2012 case about abused maid
Latest Articles

Barbie Forteza relives controversial 2012 case about abused maid

Apr 4, 2020

“Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay: The Bonita Baran Story”

Isa sa mga naging kontrobersyal na kaso noong 2012 ang masidhing pagmamalupit ng mag-asawang amo sa kanilang kasambahay na si Bonita Baran.

Tumagal ng limang taon ang paglilitis ng kasong ito na umabot pa hanggang Senado, at umapila ang mga nasasakdal hanggang sa Supreme Court.

Dahil dito, naisabatas noong 2013 ang “Republic Act no. 10361” na mas kilala bilang “Batas Kasambahay.”

Ito ang nagbibigay ng karampatang benepisyo, sapat na sahod at proteksyon para sa mga kasambahay.

Ngayong Sabado (April 4), muling panoorin si Primetime Princess Barbie Forteza sa natatangi niyang pagganap bilang si Bonita Baran, isang minaltratong kasambahay sa ‘Magpakailanman.’

Kapos sa pera sila Bonita kaya namasukan siya bilang isang kasambahay.

Ngunit dahil sa kalupitan ng mga amo niya, bugbog at pagkabulag ang inabot niya. Sa kabila nito, bumangon si Bonita at ipinaglaban ang hustisya.

Tunghayan ang kuwento ng isang babae na binulag man ng pang-aapi ay naglakas loob na imulat ang kaisipan ng lahat para sa respeto na kailangan ng ating mga kasambahay.

Mula sa direksyon ni Conradu Peru, huwag palalampasin ang nakakaantig na episode na pinamagatang “Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay: The Bonita Baran Story” ngayong Sabado ng gabi sa #MPK.

Leave a comment