May 24, 2025
Barbie Forteza turns 18: The baby is now a young lady
Latest Articles

Barbie Forteza turns 18: The baby is now a young lady

Jul 29, 2015

By Roldan Castro

Debutante na ang Prinsesa ng Kapuso network na si Barbie Forteza sa July 31. Binibigyan na siya ngayon ng responsibilidad ng magulang niya kaya ipinagkatiwala na sa kanya at tinatalakay na ang mga schedules niya, yung legal matters. Pero pagdating sa personal na buhay ay wala pa namang nababago.

“Sana meron in the future, sana may guy na magparamdam in the future. Wala pa pong nagkakamali, kaya malungkot ako,” bulalas niya sabay tawa.
Sinabi rin ni Barbie na kapag may nanligaw sa kanya, hindi ‘yung sa text lang idinadaan, Mas gusto nitong dumaan sa lumang istilo na nagpupunta sa bahay nila at haharap sa magulang niya ang sinuman na manligaw sa kanya.

Hindi ba ginawa ni Miguel Tanfelix ‘yun?
“Hindi,” malutong niyang sagot.
Pinabulaanan niya na naging sila ni Miguel.
“Hindi, magkaibigan kami nun, nakakaloka kayo! Magkaibigan kami. Una kaming nagkasama sa ‘Paroa,’ tapos nawalan ng communication kasi nagkaroon kami ng separate lives, you know. Hanggang sa nagkita kami sa “Sunday All Stars,” as in for a long time noon lang kami nagkita ulit so nag-usap kami, ‘O sige, ganyan, labas tayo!Ganun lang.”

Hindi raw date na matatawag ang paglabas nila ni Miguel dahil marami silang magkakasama. Ni hindi rin daw sila naging mag-MU.

“Hindi rin naman po kasi kami nagkikita. Nakakaloka naman! Kumbaga hindi enough sa akin na communication lang na text lang. Gusto ko yung nakikita ko at nakakasama Isabel Marant Shoes Online ko siya,” deklara niya.
Ang birthday wish raw ni Barbie ay mag-drive ng dream niyang sasakyan. Approval na lang ng magulang niya ang kailangan dahil may license na raw siya.

“Gusto ko po ng isang Wildtrak na Ford Ranger. Kasi po parang convenient kapag biglang bahain ang Pilipinas. Iyon po talaga yung dream car ko eversince kasi nga maluwag at saka hindi kasi ako masyadong fan ng malilit na kotse.”
“Actually pinag-uusapan na namin ng tatay ko tapos umiiling na lang ang nanay ko. Ayaw niya pa akong mag-drive,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Barbie: “Like every girl, excited ako at the thought of turning 18. Pero puwede bang mag-wish ng isa pa? Puwede po bang wala ng party?”

Barbie emphasized that instead of spending so much on a grand debut, she would rather use the money for other more meaningful things.
Malapit sa kanya ang mga bata kaya gusto niyang makasama ang mga ito sa kanyang selebrasyon para sa pag-adopt niya ng room para sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) in Diliman, Quezon City. Apat na taon na niyang tinutulungan ang PCMC.

The “Adopt-A-Room” program of PCMC enables entities or individuals to choose and adopt a private room which they want to renovate and convert into a special private room. Once renovated and occupied, the proceeds of the room will go to “charity rooms.” Si Barbie ang kauna-unahang celebrity na lumahok sa ganitong worthy cause.

The renovation for Barbie’s adopted room is currently on-going with the talented young actress actively participating in the process with the help of GMA Artist Center and Architects Jose Ricky Martinez and Richie Ongteco.

Barbie’s partners in making her dreams come to life include her generous sponsors BNY, Unisilver Time, Posh Nails, BS Mobile, Fruitas, Belladona Bags, Megawide, Happy Haus Donuts, Pizza Pedricos, Cris-Carl Stuffed Toys, Megasoft Diapers, Muebles De Cristina Furniture, Fernando’s Bakeshop, Chocovron, Ritz Biscuits, Jao Ming Glutathione, Rotary Club of Makati and Flawless.

Leave a comment