
Barbie Imperial no bitterness, happy for JM, Ria
Bagamat wala pang kumpirmasyon na mag-on na sina JM de Guzman at ang napapabalitang bagong inspirasyon nitong si Ria Atayde, sinabi ni Barbie Imperial na magiging masaya kung sakaling sila na nga.
Sey pa niya, taos sa puso at wala raw bitterness ang kanyang nararamdaman.
“Honestly po, na-meet ko na rin si ate Ria. For me, may time na ako mismo ang nagsabi kay Em (tawag niya kay JM) na to stop talking to me na. Sabi ko, ‘kilala ko si ate Ria, mabait na tao ‘yun.’ Ako, happy ako for them,” ani Barbie.
Dagdag pa ng young actress, bukod sa mabait, lovable raw naman si Ria at hindi mahirap mahalin ng kahit sinong lalake.
Besides, baka nga raw mas swak sila ni JM dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad.
“So, mas maiintindihan nila ang isa’t isa. Minsan, nakikita ko naman, parang ang nababalita sa amin, okay naman sila. And ‘yun nga, happy ako for them, lalo for him,” hirit niya. “Kung okay man sila ngayon, finally, nahanap na niya. Hindi rin ako selfish. ‘Yun din ang reason kung bakit nag-let go ako, na kailangan ko nang mag-let go kasi minahal ko rin naman ‘yung tao and ayokong mangyari sa kanya ‘yung mga nagawa niya. Kasi si Em, ‘pag love sa kanya, iba. Eh mahal ko siya, siyempre, ayoko na kung ano ang gawin niya, ‘di ba?” paliwanag niya.
Sa tanong naman kung nagkaroon ng pagkakataon na na-feel niya na pinagsabay sila ni Ria, hindi na ito sinagot ng young actress.
Matatandaang inamin naman nila pareho sa “Tonight With Boy Abunda” na nag-date sila although mariin naman nilang itinatanggi na naging sila.
Naging kontrobersyal din ang naging rebelasyon ni Barbie sa naturang show nang sabihin niya noon na hindi pa niya kayang maging kaibigan muli si JM dahil feeling niya ay pinaasa lang siya nito.
Katunayan, prangka niyang inamin na ito ang pinarurunggitan niya na sinungaling sa kanyang social media account noon.
Gayunpaman, hindi raw niya isinasara ang pinto na muling makatrabaho ang Kapamilya actor in the future at ito ay kanyang nilinaw.
“Ang sinabi ko lang, di pa ako ready pero hindi ko sinabing tatapusin ko na… na ayoko na siyang makatrabaho. Maghe-heal din naman kaming pareho ,eh. Kasi, maraming nagmamahal sa amin ni JM. Siyempre ayoko ko namang saktan iyong mga supporters namin kaya hindi naman ako nagsasalita ng tapos. For now, hayaan muna nating mag-heal kami pareho,” pagtatapos niya.
It could also be recalled na nagkasama sila ni JM sa ser¬yeng “Araw Gabi” at dito nga sila nagsimulang maging close at ma-develop sa isa’t isa.
Samantala, happy si Barbie na nakasama siya sa pelikulang “Finding You” na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Jane Oineza.
Ito raw kasi ang first movie niya kung saan ay marami siyang dialogue. Sa mga past movies daw kasi niya ay dinadaanan lang siya ng camera.
Ginagampanan niya rito ang role ng ex ni Jerome na naging cause ng kanyang heartbreak.
Mula sa direksyon ni Easy Ferrer, palabas na ito sa lahat ng mga sinehan simula sa Mayo 29.