May 25, 2025
Baron Geisler’s squabble with a bouncer in Pampanga goes viral
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

Baron Geisler’s squabble with a bouncer in Pampanga goes viral

Jul 9, 2015

By PSr News Bureau

20130701-baron-geisler-04

Maliban kay Jiro Manio na naging viral lately dahil sa pansamantala nitong pagtira sa NAIA 3, ang isa pang maituturing na magaling na aktor na makailang beses nang nabibigyan ng pagkakataon dahil sa husay nitong umarte ay si Baron Geisler. Ang problema naman kay Baron ay ang malaking pagbabago ng ugali nito sa oras na masayaran ang kanyang lalamunan ng ‘agua de pataranta’ o anumang alak. Kaya’t hindi na bago kapag nakakarinig tayo ng pagwawala niya o pakikipag-away ng aktor. Dahil nga sa kanyang pag-uugali kung kaya’t may bahagi sa kanyang mukha ang ‘pumangit’ at nag-iwan ng malaking pilat bilang alaala ng pakikipag-away. Nitong July 7, may kumalat na naming video si Baron. Diumano’y nagwala daw ang aktor sa isang bar sa Pampanga. Ayon sa nag-upload ng video sa Facebook na nagngangalang Mojahid Abdulmourme, kuha niya ito sa Skytrax bar sa Angeles, Pampanga.

Baron GeislerGustong pumasok ni Baron sa Skytrax bar ngunit hindi ito pinahintulutan ng bouncer dahil lasing daw ang aktor. Ayon sa nag-upload ng video, hindi nila pinapayagan mag-disco ang sinumang lasing. Ang ibang salita na ginamit ng nag-upload ay tila salita na ng Muslim. Makikita sa video na nagpipilit pumasok si Baron at nagkaroon ng konting argumento sa pagitan ng staff sa gate ng bar. Tila naging maayos naman ang pag-uusap ni Baron at ang dalawang bouncers ng bar. Sa bahagi ng video 4:28, akmang aalis na si Baron sa bar ngunit maririnig sa background ang mga salitang, “Sira-ulo ka pala e.” Dahil dito’y muling bumalik ang aktor sa pintuan ng bar. Hindi malinaw ang buong usapan nila ng isang bouncer pero maririnig ang salitang: “O, sige, tawagin mo. Gusto mo ipapatay mo ako, ipapatay mo ako. Ba’t mo ako tinatakot, dati na akong takot.” Tinanong ni Baron ang bouncer kung ano ang pangalan nito at sumagot ito ng: Anong pangalan ko? Ronnie ang pangalan ko.”

Mapapansing medyo kalmado pa rin si Baron sa pakikipag-usap sa bouncer. Kasunod na maririnig ang salitang: “Huwag naman ganyan, ipapa-blotter kita. Pati pamilya ko inaano mo..binabalaan mo ako eh.”

Bukas ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa panig ng aktor.

https://www.youtube.com/watch?v=HlxYBYFJwfQ

 

Leave a comment

Leave a Reply