June 10, 2025
“Based on the prevarications on his posts, he is not getting it.” – Gov . Salceda on Xian Lim
Latest Articles

“Based on the prevarications on his posts, he is not getting it.” – Gov . Salceda on Xian Lim

Feb 20, 2015

by Eric L. Borromeo

May sagot na agad si Governor Joey Salceda ng Albay sa paliwanag ni Xian Lim sa umano’y pagtanggi ng aktor na isuot ang isang t-shirt dahil ayaw raw nitong i-promote ang nabanggit na lalawigan.

Ayon sa aktor sa kanyang Twitter, tinanggihan niyang isuot ang t-shirt dahil baka raw magkaroon ito ng conflict sa kanyang endorsement.

Kanina, sa kanyang Facebook page, ipinakita ng Governor ang sinasabing coffee table book at t-shirt na ibinibigay nila kay Xian. Ito ay kaugnay ng kanilang pagdiriwang ng Fiesta Tsinoy Albay kung saan naimbitahan ang aktor bilang celebrity guest.

Pahayag pa ni Gov. Salceda: “Ito po yung ibinigay kay Xian Lim kahapon. Kaya lang tinanggihan nya. At sinabi nya kay Atty Caroline Cruz na ‘I did not come here to promote Albay’ usually ganyan ang binibigay namin sa bisita ng Albay. kaya medyo na disappoint lang naman kami. Walang sinabing ‘I love Albay’.

3

May dalawa pang Facebook post si Gov. Salceda kaninang umaga, ang isa’y nagpapahayag ng pagkadismaya nito sa inasal ni Xian at pagtanggi nito na ipinasusuot nila ang t-shirt na ‘typical touristic materials’.

Ininsulto rin daw ng aktor ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office ng Albay sa inasal nito.

“We expected something better from him since he is not a terrorist,” ani pa ni Gov. Salceda.

2

Sa dulo ng post ng gobernador, sinabi rin nito ang “No forgiveness deserved.” na tila kasagutan niya sa apology ni Xian sa Twitter.

1

Leave a comment

Leave a Reply