May 22, 2025
‘Bato’ film not a propaganda—Robin Padilla
Latest Articles

‘Bato’ film not a propaganda—Robin Padilla

Jan 31, 2019

Nilinaw ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Movies na si Robin Padilla na hindi isang propaganda ang pelikulang “Bato: The General Ronald dela Rosa Story” ng ALV Films na pinagbibidahan niya.

Ayon pa sa kanya, sobrang bilib siya sa magiting na heneral  at suportado niya  ang laban nito kontra  droga sa bansa.

Katunayan, tulad ni Bato, isa rin siya sa nagsusulong na maibalik ang death penalty.

Sa kanyang pagganap bilang Bato, klinaro rin niya na hindi niya totally ginaya ang hitsura at tikas ng dating PNP chief  sa pag-portray nito onscreen.

Wala raw deliberate attempt on his part na kopyahin si Bato kaya naman, semi-kalbo ang kanyang itsura nang humarap siya sa presscon.

“Alam ko na maraming nag-e-expect na gayahin ko siya. Sabi ko naman, aktor ako . kung ganoon ang plano nila, kumuha na lang sila ng impersonator,” paliwanag niya. 

“Kailangang 50-50 tayo, pero hindi puwedeng 100%,” dugtong niya.

Hirit pa niya, nahirapan daw siya sa pagbibigay buhay sa karakter ng kontrobersyal na miyembro ng gabinete ni Pangulong Digong, dahil  hindi naman daw siya iyakin sa tunay na buhay.

“Nahirapan talaga ako. Hindi naman ako iyong public na nagpapakita ng emosyon. Iba kasi iyong iyak ni Bato. Pareho sila ni Mayor (Duterte),” aniya.

“Ako sa akin, matindi ang risks na nagbigay ako doon sa gusto ng director na humagulgol ako. Si Robin Padilla ako at sa mga ginagawa kong pelikula, hindi ako humahagulgol,” pahabol niya.

Naitawid daw niya ang mga nasabing eksena sa tulong ng kanyang director na si Adolf Alix, Jr.

“Pinag-aralan talaga namin siya sa Senate. Minotivate ako ng director ko,” lahad niya.

Sa kanyang pag-iyak, marami raw siyang pinaghugutan.

“Maraming bumalik na mga memories. Iyong mga babaeng nanakit ng puso ko,” pahayag niyang may halong biro.

Isang eye opener din daw ang pelikulang Bato dahil bibigyang linaw nito ang ilang kontrobersya tungkol sa matapang na sundalo.

“Dapat siyang mapanood para malaman nila ang katotohanan. May mga misconception kasi na mamamatay-tao siya. Hindi siya ganoon. Ginawa natin siyang beast. Hindi siya beast,, tao siya. At siya ay nagpe-perform lamang ng kanyang trabaho,” pagtatanggol niya.

Hirit pa niya, ikinukunsidera niya na semi –retired na siya sa paggawa ng action movies dahil gusto na  niya itong ipaubaya sa mga nakababatang artistang lalake natin ngayon.

Gayunpaman, dahil kaibigan niya si Bato at sobra ang paniniwala niya sa katapangan at kakayahan nito kaya raw hindi niya ito nahindian nang alukin siyang gumanap sa talambuhay nito.

Tampok din sa “Bato: The General Ronald Dela Rosa Story” sina Beauty Gonzales, Gina Alajar, Ricky Davao, Efren Reyes, Jr. , Kiko Estrada, Joko Diaz, Alyssa Muhlach, Jake Joson, Kiko Matos at marami pang iba.

Showing pa rin sa mga sinehan!

Leave a comment