
Bea Alonzo confirms relationship problems with Zanjoe Marudo
Bea Alonzo confirms relationship problems with Zanjoe Marudo
Nang magbakasyon last week sa Madrid, Spain si Zanjoe Marudo ay hindi nito kasama ang girlfriend na si Bea Alonzo. Kaya naman marami ang nag-iisip na siguro raw ay break na ang dalawa. Kapag bumabiyahe o nagbabakasyon daw kasi sa ibang bansa ang aktor, ay lagi nitong kasama si Bea.
Sa panayam kay Bea ng ‘TV Patrol’ nung Martes ay inamin nito na may pinagdaraanang pagsubok ang relasyon nila ni Zanjoe.
“Siyempre, who doesn’t want to stay in a beautiful relationship, ‘di ba? So, nandun kami,” sabi ni Bea.
Ayon naman kay Zanjoe sa isang interview rin sa kanya ay kasalukuyan daw inaayos nila ni Bea ang gusot sa kanilang relasyon. Well, sana nga ay maayos pa ang relasyon nina Bea at Zanjoe. Sayang naman kasi kung mapupunta rin sa wala ang apat na taong relasyon nila, di ba?
[divider]
Janice De Belen says Gabby Concepcion is a ‘sweet talker’; doesn’t believe that she’s the actor’s greatest love.
Sa isang interview kay Gabby Concepcion ay tinanong siya kung sino ang maituturing nya greatest love sa mga nakarelasyon niya, ang sagot niya ay si Janice De Belen. Nang makarating ito sa aktres, ay hindi raw siya naniniwala. Echosero raw si Gabby.
Kaya lang naman daw yun nasabi ng dating minamahal dahil ang nag-interview/nagtanong daw dito ay kaibigan niya.
[divider]
The Voice of the Philippines’ Thor Dulay stages ‘Soulful Concert 2015’
Sa July 17 at 8:00pm, gaganapin sa Music Miuseum, Greenhills San Juan ang concert ng tinaguriang Master of Soul na si Thor Dulay billed as “Soulful Concert 2015.” Special guest niya rito sina KZ Tandingan at Liezel Garcia plus other surprise guests.
Para sa tickets ng concert, please call 532-3003 / 703-5209 / 986-5882 or text 0917-773-1013.
Noong nakausap namin si Thor sa presscon ng kanyang concert ay naiiyak siya dahil naaalala raw niya ang namayapa niyang ina. “Kasi gusto ko sanang makita niya ito (concert). Kasi siya yung makulit sa akin dati at sobrang proud. Halos every week tinatanong niya ako kung nasa TV na ako. So nanghihinayang ako sa opportunity ngayon na marami na akong TV guestings, lalo na yung “The Voice.” Siguro ang saya-saya niya lalo. Sana nakita niya lahat ito,”sabi ni Thor.