
Bea Alonzo all-praises with Richard Gomez and Dawn Zulueta
Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Bea Alonzo sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa pelikulang “The Love Affair” sa ilalim ng Star Cinema, na pinagbibidahan nilang tatlo. Enjoy ang aktres na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang dating magkarelasyon.
“Masaya silang katrabaho, sa totoo lang. Kasi napaka-light nilang kasama,” sabi ni Bea nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Dagdag niya,”Si Kuya Goma parati lang siyang nagpapatawa sa set, ganyan. Hindi siya seryoso, tapos ang dami niyang ikinukuwento sa akin. Parang hindi siya seryoso sa buhay.”
Sa sinabing yun ay biglang natigilan si Bea na parang mali ang nagamit niyang salita tungkol sa aktor. Kaya paliwanag niya.”Mali, teka i-rephrase ko lang. Yun ang bagay sa sarili ko na hindi gusto ko e. Sometimes I get too serious about life that I don’t get to enjoy life anymore. Yun ang nagagandahan ako sa personality niya (Goma) na nag-e-enjoy siya sa buhay, at masaya siya sa buhay niya. So, gusto kong makuha yun. Nai-inspire ako sa kanya.”
Bilib din daw si Bea sa iba pang talento at kayang gawin ni Richard.
“At saka si Kuya Goma napapabilib ako kasi ang dami niyang ginagawa sa buhay niya. Di ba lahat successful siya, sa acting, sa sports, di ba ang galing niya? Tapos nagpe-play din siya ng instruments, he loves music. Paano niya nagagawa ang lahat nang ito? And he’s brilliant in everything. So, nabibilib talaga ako.”
Papuri naman ni Bea kay Dawn, “Si Ms. Dawn naman, grabe, fan ako. Nakita mo naman yung ganda niya, super! I always tell her na gandang-ganda ako (sa kanya). Sinasabi ko nga kay Kuya Goma, ‘Ang ganda-ganda talaga ni Ms. Dawn.’ Sabi ni Kuya Goma, sobrang ganda raw ng taste ko. Alam mo si Ms. Dawn, sobrang graceful sa bawat galaw niya. She’s such a good actress. Talagang nabibilib ako kung paano niya hina-handle yung personal life niya at yung career niya. Gusto kong maging katulad niya one day.”
Ginagampanan ni Bea sa The Love Affair ang role ni Adie, na magiging mistress ni Vince (Richard) at magiging kaagaw ng asawa nito na si Patricia (Dawn).
May love scene ba sila ni Richard sa movie?
“Mayroon kaming intimate scenes, siyempre kasi nagkaroon kami ng relasyon doon sa pelikula, so may mga ganun. Pero hindi n’yo naman kailangan doon mag-base kasi maraming sanga yung pelikula.”
Kumusta ang love scene niya with Goma?
“Siyempre gentleman naman siya. Hindi ko naman na-feel na nahiya ako or ano. He was very professional.”
Bukod kina Bea, Richard, at Dawn, kasama rin sa cast ng The Love Affair sina Manolo Pedrosa, Grae Fernandez, at Tom Rodriguez. Sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, ang The Love Affair ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Agosto 12.