May 23, 2025
Bea Binene’s “me and my big mouth” on the reason behind the break up with Jake Vargas
Latest Articles

Bea Binene’s “me and my big mouth” on the reason behind the break up with Jake Vargas

Feb 27, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

Nadulas si Bea Binene na may third party involved sa paghihiwalay nila ni Jake Vargas nang tanungin kung bati na ba sila. Very vocal na siya sa tunay ng estado ng relasyon nila nang makatsikahan siya sa launching ng bagong ini-endorse na slimming capsule na ginanap sa Tweedle Book Café sa Sct. Gandia, QC.

blogger-image-1187984043

Aminado si Bea na napagod siya kay Jake at paulit-ulit na lang.

Bea-Binene-001Tinanong din kung isang young actress ang dahilan pero non-showbiz daw ito at nasa malayong lugar. Ayaw nang idetalye ni Bea kung paano niya nabuking.

“Siguro dun na lang kami sa ini-enjoy ang sari-sariling buhay,” statement niya.

“I’m starting to enjoy life and nagagawa ko ‘yung gusto ko, ganoon,” dagdag pa niya.

Nasaktan ba siya?

“Siguro lahat naman, di ba? Pero kailangan mo lang i-accept, eh at pag may nagsara, may nagbubukas na bintana, may nagbubukas na bubong,” aniya pa sabay tawa.

Hi and hello na lang daw ‘pag nagkikita. Hindi rin niya alam kung willing pa siyang makatrabaho si Jake pero nasa desisyon daw ng management ‘yan.

Tinanong din si Bea Binene sa isyung kinasasangkutan ni Xian Lim sa Albay. Dati ay nabiktima rin siya ng pagiging tactless ni Xian nu’ng Chinese New Year last year.

“Siguro, ano lang lahat naman po ng tao ay may dahilan. May dahilan nga siya kung bakit niya nagawa ‘yun. Basta ang alam ko lang, hindi niya isinuot ‘yung -shirt, narinig ko lang sa radyo, eh. Malay mo, conflict talaga sa endorsement niya kasi ganoon naman talaga eh. Kapag ganoon puwedeng siya ang makasuhan ‘pag sinuot niya’yun, di ba? May dahilan naman po naman siya talaga. Pero ako hindi ko alam kasi ang buong story,” aniya.

“Basta ako, ayaw kong makisawsaw sa isyu kasi ano, baka sabihin naman wala naman akong kinalaman. At saka ako, dun sa past na isyu namin, wala akong kinalaman kasi nasabi lang ang pangalan ko. Pero , hindi po ako involved. Hindi ako ‘yung na-offend. Natuwa pa nga ako dahil kilala ako ni Xian Lim,” sey pa niya.

Since then, nagkita na raw sila sa sa iba’t-ibang showbiz occasion.

At saka na-appreciate din ni Bea na binigyan siya ni Xian ng flowers before. Nu’ng magkita raw sila, hindi na ‘yun napag-usapan at hi-hello na ang nangyari. Hindi naman daw sila close.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply