May 23, 2025
Beating COVID-19 with online challenge created by Wilbert Tolentino
Latest Articles

Beating COVID-19 with online challenge created by Wilbert Tolentino

Jun 23, 2020

THIS IS IT / Column
Dumaranas ngayon ang bansa ng COVID-19 na masasabi nating pinakamalalang virus na dumating sa atin. 

Dahil sa virus na ito, kinailangang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (EQC) sa bansa, para maiwasan ang paglaganap nito.

Pero, marami ang naapektuhan. May mga nawalan ng trabaho/ pagkakakitaan, dahil nagsara ang ilang mga negosyo.

Naging dahilan ito para marami ang magutom. Hindi alam kung paano pa haharapin ang darating na mga bukas. 

Sa kabila ng pagpapatupad ng ECQ, libo-libo pa rin ang nahawahan ng COVID 19. Marami man ang naka-survive, ay marami rin naman ang namatay.

Nakaka-praning, ‘di ba? Pero, kaya nating labanan ito. DASAL! Ito ang pinakamabisang sandata para puksain ito. Pakikingan Niya tayo. Hindi Niya tayo pababayaan.

Pero, dapat din nating sundin ang mga gabay/alituntunin na inilabas ng Department of  Health (DOH) sa pag-iwas sa nakamamatay na virus.

At ‘yung mga dapat din nating gawin, tulad ng laging paggamit ng alcohol o hand sanitizer, panatilihin ang social distancing, at manatili lang sa bahay. 

Lumabas lang tayo kung kinakailangan, kung importante lang ang ating gagawin.

May payo lang ako. Huwag magpaapekto sa COVID-19. Huwag natin itong laging iisipin. Huwag tayong matetensyon. Ang tendency kasi, posible tayong magkaroon ng acid reflux at LBM (loose bowel movement).

Totoo ‘yun. Na-experience ko na ang mga ito, dahil sa kaiisip. Dapat, ang isipin na lang natin ay ‘yung mga magagandang bagay. Huwag tayong padadaig dito, kaya natin itong labanan! Magagapi natin si COVID-19.

Nakakatuwa lang malaman, na may isang Wilbert Tolentino, na isang Philanthropist, matagumpay na entrepreneur, social media influencer, at kauna-unahang tinanghal na Mr. Gay World Philippines 2009, ang may ginintuang puso para sa mga nangangailangan.

Nag-isip siya ng paraan kung paano makakatulong sa panahon ng pandemya. 

Nilunsad niya ang Sil Wil Online Challenge, nu’ng bago nag-umpisa ang ECQ, na siya ang bumuo at nag-conceptualize.

Bahagi nito ang iba’t-ibang online competition tulad ng The Queen of Lockdown Transformation 2020- Pagirl / Pahard Challenge, Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge, Online Star Influencer Season 1, Sir Wil Drag Queen Challenge – The Ultimate Impersonation Contest, The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pagent – Queen of bECQi 2020, Wil or No Wil Online Game Show, The King of ECQ Online Search – Ginoong Quarantino 2020, Online Star Influencer Search at ang Sir Wil Media Challenge,  na ang maglalaban-laban dito ay mula siyempre sa media.

O di ba, naisip ni Sir Wil ang media, dahil alam niyang ang mga ito ay malaki ang naitulong at naitutulong sa kanya at sa kanyang mga proyekto.

Gusto niyang ibalik ang pagmamahal niya sa mga ito, sa pamamagitan ng nasabing challenge. Alam niya rin kasi, na ang media karamihan ay no work, no pay.

Sa contest na ito, ay walang talo, lahat ay masasabi naming panalo. Ang grand winner ay mag-uuwi ng 100,000.00. Ang 1st runner-up, 50,000.00. 2nd runne-up, 30,000.00. 3rd runner-up, 20,000 at 4th runner up, ay 10,000. At ang hindi  naman papalaring mananalo ay mag-uuwi rin ng cash prize. O, di ba, wala talagang uuwing luhaan?

Maganda ang naisip ni Sir Wil na gumawa ng ganitong konspeto ng kumpetisyon para sa media.

Tulad sa aming mga columnist, at least, dahil sa Sir Wil Media Challenge, ay mas nahahasa ang aming utak sa pagsusulat. 

At siyempre, gagalingan at pagagandahin namin ang aming entry, manalo lang, makuha lang ang grand prize na 100,000.00. 100,000.00 is 100,000,00 ‘di ba? Hindi biro ang prize na ito. 

Nakakalula! Ayokong maging ipokrito, gusto kong makuha ang malaking premyo na ito. Malaking tulong kasi ito sa pang-araw-araw na pangangailangan naming magkapatid, at siyempre, sa pagdating ni Bill (bills) at ni Judith (due date).

Diyos ko, ang mga bayarin, grabe!  Lagi nating sinasabi, “Bahala na si Batman” Gamit na gamit si Batman. Hahaha! As if, siya naman ang magbabayad ng ating mga bayarin, ‘di ba?

Pero kung hindi man ako palaring manalo sa kahit anong pwesto, tatanggapin ko ang pagkatalo. Sport naman akong tao, eh.

Igagalang ko ang magiging desisyon ng mga hurado. Alam naman kasi nila kung sino talaga ang deserving na manalo. 

Hindi naman sila kukunin para maging judge, kung wala silang alam sa ganitong klase ng labanan.

At sa lahat naman ng kontes ay may nananalo at natatalo, ‘di ba? At sana, kaming media na kasali sa Sir Wil Media Challenge, ‘yung hindi papalaring manalo ay maging sport din.

Sabi nga sa GC namin, sa Sir Wil Media Challenge Official ni Sir Jeigh Palao, ang Cooridnating Officer ng Sir Wil Online Challenge na “Special reminder to everyone: Contestant should observe sportmanship. Respect fellow contestants and organizers.” Naniniwala naman ako, na lahat kami, ay susundin ang paalala na ito.

Samantala, narito ang grand winners sa mga naunag virtual competitions.

The Queen of Lockdown Transformation 2020- Pagirl / Pahard Challenge (for gay community). Grand Winner (P10,000 plus 1 sack of rice) – Popoy Roxas.

Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge (for families) Grand Winner (P20,000) – Mary Letim Ponce

Online Star Influencer Season 1 (for Social Media Influencers) Grand Winner (P50,000) – Sachzna Laparan

Sir Wil Drag Queen Challenge- The Ultimate Impersonation Contest  (for impersonators and entertainers) Grand Winner (P50,000) – Lady Ivana

The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pageant – QUEEN OF bECQi 2020 (for gays and transgender women) Grand Winner (P100,000) – Marianne Crisologo

The King of ECQ Online Search – Ginoong Quarantino 2020 ( for entertainment, ramp, TVC male models/ male pageant aspirants) Grand Winner (P200,000) – Allen Ong Molina.

Online Star Influencer Season 2 (for social media influencers) Grand Winner (P200,000) – Shaina Denniz

Bongga si Sir Wil,talagang naglabas siya ng kayamanan (kayamanan daw, oh? Hahaha) para sa kanyang Sir Wil Online Challenge. At least, hindi siya naglabas ng pera ng walang kapararakan, kundi may katuturan, ‘di ba?  

Sa lahat ng bumubuo ng Sir Wil Online Challenge, lalo na kay Sir Wilbert,  ang aming tapos pusong pasasalamat!

Leave a comment