
Beautederm boss admires Marian Rivera’s simplicity
Ipinakilala na si Marian Rivera-Dantes bilang celebrity endorser ng Reverie ng Beautederm Home. Ang Reverie ang pinakabagong line of products ng Beautederm na pagmamay-ari ni Ms. Rei Tan.
Sabay na ni-launch ang produkto at endorser noong Martes sa La Chandelle Events Place sa Mother Ignacia, Quezon City. Sa pamamagitan ng aktres na si Shyr Valdez ay nakilala ng owner si Marian. Puring-puri ni Mrs. Dantes si Mrs. Tan
“Nung ipinakilala siya sa akin. Siya na pala yun. Napakasimple. Very humble at napakabait. Nakita ko ang bago kong pamilya.”
Ganundin si Rei Tan sa aktres.
“Lahat naman siguro ng mga kumpanya, gustong maging endorser si Marian. Marian Rivera is Marian Rivera. Sobrang suwerte namin at pumayag siya. Ang bait niya.”
Sey ni Marian sosyal ang mga produkto ng Beautederm Home gaya ng linen sprays at soy candles made in pure soy bean oil. Lahat ito ay safe sa health. Sosyal din daw ang kaniyang talent fee. Ibig sabihin malaki ang ibinayad sa kanya.
At kahit sobrang busy siya, ang top priority ni Marian ay ang kaniyang ultimate role bilang asawa, ina, at homemaker sapagkat only the best lamang para sa kanyang pamilya ang kaniyang nais.
Para sa kanya, ang pagkakaroon ng maligayang tahanan ay ang pagkakaroon ng isang warm, safe, at pleasant na environment kung saan naguumapaw ang love, care at comfort.
Kaya nga ang suwerte ni Dingdong Dantes dahil mayroon siyang isang Marian Rivera sa kaniyang buhay na hindi lamang mabuting asawa kundi isa rin siyang mabuting ina.