June 14, 2025
Beautederm renews LT
Latest Articles

Beautederm renews LT

Mar 1, 2020

Opisyal na ni-renew ng Beautéderm Corporation ang iconic actress at grand slam queen na si Lorna Tolentino bilang isa sa mga top, high-profile celebrity brand ambassadors nito. 

Halos isang taon na ang nakalipas nang pormal na naging bahagi si Lorna sa amazing roster ng Beautéderm ambassadors. 

Parehong bumuo ng magandang samahan ang brand at ang legendary aktres at mas mataas pa ito sa kanilang maunlad na business relationship na umalagwa sa mataas na sales volume ng Cristaux Gold Elixir Serum ng Beautéderm, na kinatawan ni LT sa mainstream market.

Ang kolaborasyon sa pagitan ng Beautéderm at ni Lorna ay talagang matindi sapagkat kapwa nilang kinakatawan ang highest ideals of quality, perfection, integrity, at hard work na nag-dedeliver ng finest results.

Ang renewal of contract cum press conference ay ginanap noong Huwebes ng tanghali. Present dito siyempre ang President/CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche Tan, at ang manager ng award-winning actress na si Lolit Solis.

Tinanong si LT kung ano ang dahilan at muli siyang pumirma ng kontrata sa Beautederm, kay Ms. Rhea.

“Maraming salamat nga sa renewal,” ang natatawang sabi ni LT.

“Kasi ibig sabihin lang, nagtitiwala siya akin, and at the same time, nagtitiwala rin ako sa kaniya. Puwede naman kasi na after 1 year, okey, ba-bye na, ‘di ba? Pero long term naman ‘yung mga endorsement ko, eh.


“Yung isang ini-endorse ko, kung hindi siguro yun nabenta sa another corporation, nandu’n pa siguro ako. I’ve been with them for thirteen years.”

So, sa Beautederm, 20 years?

“Oh, more!” natatawang sagot ni LT.

“Kasi, marami pa kaming lines of products. Siyempre, mero’n niyan for the 50’s, 60’s, 70’s, 80’s. Hangga’t nandiyan tayo.”

Samantala, kasama si LT sa FPJ’s Ang Probinsiyano, na pinagbibibdahan ni Coco Martin. Gumaganap siya rito bilang si Lily, na isang kontrabida.

“Mahirap maging salbahe, nakaka-drain,” sabi ni LT tungkol sa kanyang role.

Pero natutuwa si LT na tumatatak sa publiko ang kayang role.

“Ang tawag na sa akin ng mga tao, Lily. “Ms. Lily, pwedeng magpa-picture?”

Pero how true na pinapapatay niya na raw ang karakter niya sa serye?

“No!” tanggi ni LT.

“Hanggang September lang kasi talaga ‘yung contract na pinirmahan ko sa kanila. Kaya lang, pahaba naman nang pahaba. 

“Sinabi nila, sa next month na lang mawawala si Lily. Sabi ko, okey! Tapos ‘pag dumating na ‘yung next month na sinasabi nila, sasabihin ulit sa akin, next month na lang ulit. Sabi ko, okey. Okey nang okey lang naman ako. Pero pausog naman nang pausog ‘yung pagkawala ko sa Probinsyano. Pero hanggang March na lang talaga ako roon. ‘Yun na ang sigurado.”

Para sa karagdagang impormasyon sa Beautéderm at para sa mga exciting updates ukol sa brand at sa mga ambassadors nito, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram. I-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

Leave a comment