May 23, 2025
Bela Padilla enjoys her new role as writer-producer
Faces and Places Featured Latest Articles

Bela Padilla enjoys her new role as writer-producer

Aug 15, 2016
by Archie Liao
by Archie Liao

Si Bela Padilla ay isa sa pinaka-talented actresses ng kanyang henerasyon kaya naman patuloy ang pamamayagpag ng kanyang career.

Pagkatapos hangaan sa kanyang makabuluhang pagganap bilang isang Amerisian na naghahanap ng kanyang tatay na Kano sa Cinemalaya movie na “I America”, muli na naman siyang magpapakitang-gilas sa “Camp Sawi” ni Irene Villamor.

Sa bago niyang pelikula, hindi lamang siya aktres kundi writer-producer ng naturang pelikula.

camp sawi poster

Siya kasi ang sumulat ng kuwento ng “Camp Sawi”, ang pinakabagong comedy-drama ng handog ng Viva Films at N2 Productions.

Sobrang proud nga niya nang makita ang poster ng kanyang pet project na “Camp Sawi”.

 

“Nakakatuwa. Siyempre may konting kaba. Sana magtuloy-tuloy na at marami pa akong poster na mabasa na story written by Bela Padilla”, bungad niya.

 

Saan nagsimula ang inspirasyon mo sa pagsulat ng “Camp Sawi”?

 

“Si Neil (Arce) kasi iyong nagsabi sa akin noong December pa. Sabi niya, paano ba kung may rehab sa mga broken-hearted? Natuwa ako sa ideya. Usually kasi, kung may ideya siya, pinasusulat niya sa akin either iyong kuwento o iyong few sequences. Marami kasi kaming naiisip na mga ideya na hindi naman related sa buhay namin. Mahilig kasi kami sa ideya na may magic, iyong movie na sense of wonder,” kuwento niya.

 

Tuloy-tuloy na ba ang pag-co- copruduce mo sa Viva?

 

“Hopefully tuloy-tuloy na. Ang next movie ko after “Camp Sawi” is also with Viva. It’s my own story and concept”, pagbubunyag niya.

 

Hindi ka ba pressured na umaarte ka na, ikaw pa rin ang writer at ikaw pa rin ang co-producer?

 

“Actually, mas masarap siyang isipin, lalo na kung ikaw ang gumawa ng concept. Hindi na kailangang umasa ka pa sa ibang tao para magkaroon ka ng magandang pelikula at iyong role na gusto mong gampanan, nagagawa mo,” aniya.

 

Bilang co-producer ng pelikula, may ‘say’ ka ba sa casting ng pelikula?

 

“I suggested lalo na iyong role ni Arci na rocker chick. Sino ba naman ang mas babagay pa sa role kundi si Arci dahil kumakanta naman talaga siya. I wanted to play iyong character ni Kim (Molina) tapos si Andi (Eigenmann) naman sana ang sa role ko pero nagka-shuffle kami noong ginagawa na ang final casting”, pahayag niya.

 

Papel ni Bridgette, isang bank teller na umasang pakakasalan subalit hiniwalayan ng kanyang long time Chinese boyfriend ang role ni Bela sa “Camp Sawi”.

 

Ayon pa kay Bela, may hugot din ang pelikula dahil siya man ay nakaranas na ng heartbreak sa kanyang previous relationship.

Naniniwala rin si Bela na makatutulong na magkaroon ng camp ang mga nasasawi sa pag-ibig.

 

“Kung meron tayong hospital para sa may sakit, may rehab para sa mga naadik sa kung anu-ano bakit hindi isang rehab para sa mga sawi para ma-address nila iyong pain and hurt nila para matulungan silang mag-move on?,” pagwawakas ni Bela.

 

Bela-3Speaking of her relationship with her businessman-boyfriend na si Neil Arce, going strong daw ito at happy siya dahil napaka-supportive nito sa kanyang career.

Ang “Camp Sawi” ay mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor na kilala sa kanyang obrang “Relaks, It’s Just Pag-ibig”.

Bukod kay Bela, tampok din dito sina Andi Eigenmann, Bela Padilla, Yassi Pressman, Kim Morlina, Arci Munoz, Sam Milby at Dennis Trillo.

Mapapapanood na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Agosto 24 na idineklara ng lahat ng nagmahal, umasa, pinaasa, nasawi at hirap mag-move on na “National Sawi Day”.

Leave a comment

Leave a Reply