
Bela Padilla, happier as a Kapamilya
Kuntento si Bela Padilla sa takbo ng kanyang career bilang Kapamilya.
“Matagal ko ring ipinagdasal at hinintay ito. Lahat nang ini-expect ko ay nangyayari na at nahigitan pa. I’m finally getting to do what I really want,” bungad ni Bela sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Ayon pa kay Bela, wala siyang regrets sa kanyang paglipat mula sa GMA-7 to ABS-CBN.
“Simula nang lumipat kasi ako nagkasunud-sunod na siya [projects] and I’m thankful that projects keep pouring in,” pagtatapat niya.
Dagdag pa ni Bela, isa sa mga pangarap niya ang makatrabaho si Coco Martin na nagkaroon ng katuparan sa toprating Kapamilya primetime teleseries na “Ang Probinsyano.” Bukod dito, isa pa rin sa pangarap ni Bela ang makasama sa proyekto ang pinsan niyang si Teen King Daniel Padilla. “Isang malaking karangalan yun para sa akin kapag nangyari yun. Hindi ako mapili sa papel na gagampanan, basta’t makasama ko lang siya, masaya na ako dun.”
Sa takbo ng kuwento ng “Ang Probinsyano,” dati-rati ay nakapokus ang kuwento sa inyo ni Coco pero ngayon ay kay Maja Salvador na. Ano ang masasabi mo rito?
“It was explained to me naman from the start kung ano yung role ko at magiging takbo ng kuwento. Pareho kaming leading lady ni Maja dito. Kung may different twists sa kuwento at sa attacks ng mga characters namin, nailatag na iyon sa amin. Hindi big deal sa akin kung sa kanya napopokus ang istorya ngayon kasi kambal nga iyong character ni Coco at ako iyong asawa noong napatay na si Ador. Wala namang sapawan sa amin ni Maja at hindi ko iniisip iyon. Yung makatrabaho lang sila ay sobrang astig na sa akin, grateful na ako doon. Sa kaso naman ng Dreamscape family ko, maalaga naman sila at hindi sila nagple-play ng favorites. Kung ginagawa mo ang trabaho mo nang mabuti, bibigyan ka rin nila ng importansiya,” paliwanag ni Bela.
Viva Artists Talent Management Agency ang siyang nagma-manage ng career ni Bela ngayon.
Si Boss Vic del Rosario, Jr. na ang chief strategist for entertainment ng TV5. Since talent ka ng Viva, may posibilidad ba na gumawa ka ng proyekto sa TV5?
“Wala pang sinasabi sa akin si Boss Vic at ang Viva pero may isang offer sa akin noon sa TV5 pero hindi ako pinayagan ng “Ang Probinsyano” dahil magku-conflict sa schedule ko,” pahayag niya. “Actually, I want to do well first sa ABS dahil matagal ko itong hinintay. I really wanted to stay in the network for good,” pahabol niya.
Ngayong taon, sunud-sunod din ang mga pelikulang ginawa ni Bela. Napanood siya sa historical biopic na “Felix Manalo” kasama si Dennis Trillo. Leading lady naman siya ni Jacky Woo sa “Tomodachi” na parehong under the direction ng master and award-winning director Joel Lamangan.
Para sa pelikulang “Tomodachi,” nag-effort si Bela na mag-aral ng Nippongo para makapag-connect sa kanyang leading man na si Jacky. Wala raw siyang na-encounter na language barrier sa pagitan nila ni Jacky.
Ano ang masasabi niya kay Jacky bilang katrabaho?
“Very, very professional siya. He’s always the first one to arrive on the set. Very open din siya sa mga suggestions ni Direk Joel at magaling siyang actor,” pagwawakas ni Bela.
May kissing scene sila ni Jacky sa “Tomodachi” pero hindi siya nailang sa award-winning Japanese actor dahil inalagaan raw naman siya nito during the take.
Ang “Tomodachi” ay isang kuwento ng pag-ibig ng isang Pinay at isang Japanese officer noong World War II. Ito rin ay kuwento ng pagkakaibigan ng isang guerilla at ng isang Hapon.
Kasama sa cast sina Jacky Woo, Pancho Magno, Hiro Peralta, Lui Manansala, Jim Pebanco, Tony Mabesa at marami pang iba.