May 24, 2025
Bela says breakup with Neil doesn’t have to affect their work
Latest Articles

Bela says breakup with Neil doesn’t have to affect their work

Apr 19, 2017

Naging usap-usapan noon ang breakup nina Bela Padilla at ng kanyang non-showbiz businessman boyfriend na si Neil Arce.

Pero despite their breakup, nanatili pa rin silang magkaibigan, ayon kay Bela.

“Siyempre, noong una naroon iyong ‘hurt’ pero we have learned to move on. Walang bitterness because we have remained friends,” bungad ni Bela.

Ayon pa kay Bela, hindi raw dahilan ang breakup nila upang maapektuhan ang kanilang trabaho ni Neil.

Si Neil ang isa sa mga producers ng “Luck at First Sight” at ng surprise box office hit na “Camp Sawi” last year.

Photo from Neil's instagram account
Photo from Neil’s instagram account

“I enjoy iyong partnership namin ni Neil, tulad noong sa “Camp Sawi’. Nagja-jive kasi ang ideas namin when it comes to work. With him, I was given the chance na makapagsulat at maipakita ang aking creative side at ma-fulfill ang dream ko to be a story writer,” lahad niya.

Wala namang bagong nai-involve romantically kay Bela although may lumulutang na kuwento ng fondness nila sa isa’t-isa ni Zanjoe Marudo, ang co-star niya sa Kapamilya teleseryeng “My Dear Heart” ng Dreamscape Entertainment.

Paglilinaw ni Bela, hindi raw siya na-trauma sa huling relasyon kay Neil kaya hindi pa siya nag-e-entertain ng mga bagong suitor.

“Walang hesitation or anything. Wala akong problema. Masaya ako ngayon dahil marami akong trabaho. Career lang talaga ang priority ko. Araw-araw nagtratrabaho ako. Hindi naman sa hindi pa ako handa kaya lang trabaho talaga ang priority ko,” sey niya.

Wala naman nakikitang hadlang si Bela kung maging close man sila ni Zanjoe dahil pareho naman silang very much single.

Photo from Zanjoe's instagram account
Photo from Zanjoe’s instagram account

“Mabait na tao si Zanjoe. Hindi ko pa siya gaanong nakikilala dahil ngayon ko lang siya nakatrabaho,” paliwanag niya.

Hindi rin niya masabi kung ie-entertain niya ito kung sakaling manligaw ito sa kanya.

“Tingnan natin. Ayokong pangunahan. I’ll just cross the bridge when I get there,” ani Bela.

Tungkol naman sa pagli-link kay Neil, ang kanyang ex sa Kapamilya actress na si Angel Locsin na napabalitang magkasamang nagbakasyon sa Hongkong, ayaw niya itong idenay o kumpirmahin.

“Wala akong reaksyon. Wala na akong ‘say’. Kung saan masaya si Neil. Kung okey siya, okey na rin sa akin. Hindi ko rin naman kailangang makilala iyong babae. Basta nasa mabuti siyang kundisyon, okey na ako. Ayaw ko rin naman siyang kulitin dahil baka hindi totoo,” paliwanag niya. “Hindi ko rin naman kailangang sabihin sa kanya kung sakaling may nanliligaw na sa akin, dahil break na kami,” pahabol niya.

Ayaw namang magkomento ni Bela tungkol sa tsansa ng posibleng pagbabalikan nila ni Neil.

Para kay Bela, naniniwala rin siyang puwedeng pagsabayin ang career at love life at hindi hadlang ito sa isa’t-isa.

“Puwede naman siyang pagsabayin. Nagawa ko nga siyang pagsabayin for 2 and ½ years. Kung talagang gusto, wala namang problema dahil kaya namang gawan ng paraan,”deklara niya.

Saludo naman si Bela sa work ethic ni Echo na una niyang nakasama sa pelikulang “Luck at First Sight”.

luck-at-first-sight-poster

“Iyong commitment niya sa work is laudable. Hindi siya mahirap katrabaho. Noong ginagawa namin iyong movie, it was fun. Napag-uusapan namin kung paano namin ipro-promote o gagawin iyong movie at pati na iyong mga eksena namin, so nagtutulungan talaga kami. He’s also very professional,” bulalas niya.

Ayon pa kay Bela, malaking bentahe rin daw na siya ang artista sa sinulat niyang kuwento pero hindi raw ito package deal sa lahat ng scripts na gagawin niya.

“Kung ikaw ang sumulat, alam mo kung ano ang itatakbo ng character mo. Naiintinidihan mo iyong journey niya, iyong pinagdaanan niya, iyong conflict niya at kung paano ba ito mareresolba ito,” pagwawakas niya.

Si Bela ay proud na miyembro ng Batch 16 screenwriting workshop ng Plaridel awardee at multi-award winning screenwriter na si Ricky Lee kung saan lalo pang napapanday ang kanyang screenwriting skills.

Papel ni Dianne, isang babaeng hindi naniniwala sa suwerte pero nananalig sa tunay na pag-ibig ang role ni Bela sa “Luck at First Sight.”

Leave a comment