May 24, 2025
“The best gift I could give Paul is myself.” – Toni Gonzaga
Latest Articles

“The best gift I could give Paul is myself.” – Toni Gonzaga

Apr 1, 2015

mildred@bacud

by Mildred Bacud

toni 1 Hindi pa rin sinasabi ni Toni Gonzaga ang exact date ng wedding nila ng fiancé na si direk Paul Soriano, pero kumpirmadong magaganap ito ngayong Hunyo. Samantala, sa interview sa kanya sa sarili nitong programang The Buzz, sinabi niyang wala sa isip niya ang isyu ng pre-nuptial agreement.

“Actually, nung tinanong sakin ‘yan tsaka ako napaisip. Sabi ko ‘Ay mag-pe-prenup ba? Dapat ba may gano’n talaga?’ Kasi iniisip ko hindi naman ako mga Zobel, mga Ayala to do prenup. Normal lang naman ako, kung ano ang meron ako pinaghirapan ko.”

“Siguro ang program ko kasi sa pag-aasawa, once you get into a relationship and once you get into the commitment that you want to be together forever you will try your very best to make it work.”

“So, ‘yung sa akin kapag nagpe-prenup ka parang in the long run iniisip mo na baka in future baka maghiwalay kami so kailangan sakin ang pera ko. ‘Yung security mo nasa pera, wala doon sa tao. So I’d rather put my faith in God and to the person I’m marrying and keep on praying that it will work forever.”

Napag-usapan ba nila ni direk Paul ang tungkol dito?

“Never, never. Hindi ko naisip ‘yun, Di ba sinabi nga niya bahala ka sa money mo, sa family mo kung ano ‘yung napagtrabahuan mo, kung ano ang sa inyo.”

Nang tanungin kung ano ang best gift na mabibigay nya sa kasintahan sagot nito ay ang kanyang sarili. Ibig bang sabihin nito ay ang kanyang virginity?

“Myself, myself. Alam mo naman ang Pilipinas, Supreme Court, maraming maghuhusga. Sa akin na ‘yon, sa akin na ng asawa ko. Malalaman niyo pagkatapos ng ‘I Do.’”

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply