
Bibeth Orteza continues ToFarm advocacy; Baby Go welcomes new talents
FULL-GROWN na talaga ang ToFarm Filmfest dahil na rin sa mahusay na mata at utak ni Bibeth Orteza, ang festival director.
Sinamahan pa ng kanyang puso at dedikasyon kahit wala na ang mahusay na direktor na si Maryo delos Reyes.
Pagtanaw ni Bibeth, maganda ang nasimulan ng the late director Maryo at kanya itong susundan at hindi pababayaan.
Kung nung una nga ay nangangapa ang ToFarm, ngayon ay talagang nakakatayo na ito sa tulong na rin ng Executive Producer na si Dra. Milagros How.
Pagbibigay bugay sa mga kwentong agrikultura ang tema ng ToFarm. Maaalala ang mga past entries na binigyang parangal din sa ibang bansa.
Ngayong taon ay pitong makukulay at kaabang-abang na istorya ang pumasok bilang official entries.
1.) 1957 by Hubert Tibi
2.) Alimuom by Keith Sicat
3.) Fasang by Charlson Ong
4. ) Isang Kuwento ng Gubat by Rosalie Matilac
5.) Lola Igna by Eduardo Roy Jr.
6.) Mga Anak ng Kamote by John Carlo Pacala
7.) Sol Searching by Roman Perez
Ipinagmalaki ni Bibeth ang pitong kalahok ngayong taon. Sabi nya, aasahan ng mga manonood ang mga dekalidad na pelikula.
Naniniwala kami sa hangarin ng ToFarm at sa hangarin ni Bibeth na ipromote ang pelikulang pilipino. Alam kong hindi tayo mabibigo.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
Bumungad sa entertainment press ang mga bagong talents ng BG Productions sa pamumuno ng Queen of Maindie Films na si Ms. Baby Go.
Kilala ang BG Productions sa paggawa ng mga award-winning films katulad ng “Area” at “Bomba.”
Si Ms. Baby ay isang dakilang tagapagtaguyod ng pelikulang pilipino. Parati nyang ibinibida ang tunay na kakayahan ng mga Pilipino.
Katulad din ng pagbibida nya sa kanyang mga bagong talents. Andyan sina Jasmine Henry at Celine Juan. Kasama rin ang MTRCB board member na si Kate Brios na huhulmahin ang sarili sa pag-arte bilang character actress.
Malaki ang tiwala ni Ms. Baby sa mga baguhang talents. At naniniwala sya na malaki ang maitutulong nito sa mga pelikulang kanyang ipo-produce. Nangangako sya ng projects para sa mga talents na ito.
Mula sa pagpo-produce hanggang sa pagma-manage ng talents. Talagang explorer talaga si Ms. Baby. Ano pa kaya ang kanyang bagong hatid?
(Photos by Archie Liao for PSR)