
Bimby Aquino-Yap is now okay after an accident in school
by PSR News Bureau
Noong Miyerkules, January 20 ay isinugod ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby matapos mauntog ang ulo nito sa sahig ng kanilang school. Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng larawan ni bimby na nasa ospital at sumailalim sa isang CT Scan. Ayon sa TV host-actress, nadulas ang anak habang naglilinis ngk it hen bilang bahagi ng kanilang school activity.
Bilang isang ina, matindi ang naging pag-aalala ni Kris lalo pat’t wala ito sa Maynila nang maaksidente ang kanyang bunso. Kasalukuyan siya noong nasa out of town taping ng Kris TV sa Tagaytay. Mabuti na lamang daw at kaagad tumakbo ang kanyang nakatatandang kapatid na si Viel Aquino-Dee sa ospital pati na ang kanyang assistant.
Sabi ni Kris sa kanyang Instagram: “Bimb was cleaning the kitchen in their school, part of the program to teach independence- the floor was just mopped & very wet & he fell & hit his head hard.
“Thank God my sister Viel was in the area & met Bimb w/ Alvin, Gerbel & Bincai in the ER of Medical City. Thank you to Dr. JJ Tiongson my neurologist for attending to Bimb. CT Scan is thank God clear.
“I’m grateful that @mrandmrsfrancisco are also parents & understood when I left them in the farm where we were taping so that I can travel back to be w/ Bimb…
“Ang hirap mag trabahong malayo sa anak. I’m just blessed I can really depend on my siblings when I’m taping far from home, 1 quick call to Viel & she was on her way to be w/ Bimb.”
Laking pasasalamat ni Kris na okay naman si Bimby at negative naman ang resulta ng mga ginawang tests sa kanya upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Aniya, wala nang dapat pang ipagalala. Ang mahalaga ay ligtas na ang kanyang anak sa kapahamakan.