May 23, 2025
Faces and Places Latest Articles Movies

Bing Pimentel emphasizes the role of mothers in molding our national heroes

Sep 2, 2015

kabisera (1)Pinabilib tayo ng aktres na si Bing Pimentel sa kanyang makabuluhang pagganap sa Cinemaone Originals movie na “Kabisera” kung saan nanalo siya ng best supporting actress award noong 2013.

Naging takaw pansin kasi ang role niya bilang mistress ni Ricky Davao sa pelikulang “Mariquina” na pinagbidahan nina Mylene Dizon at Barbie Forteza sa direksyon ni Milo Sogueco. Ngayon naman ay muli siyang magpapakitang gilas sa historical epic na “Heneral Luna” kung saan ginagampanan niya ang role ni Donya Laureana Luna, ang ina ng matapang na heneral.

Saan mo ibinase ang karakter mo bilang Donya Laureana Luna?

“May pagka-soft spoken siya pero strong willed. Kapag nagalit siya, tipong nambabato ng chair. I usually use a specific person para madali para sa akin ang maging in-character, so ang naging peg ko ay ang grandmother ko,” bulalas niya.

Ano ang mga paghahanda mo sa iyong role dito sa pelikula?

“They have to make me look old. Nahirapan ako sa prosthetics. Six hours ako on the chair. Six hours rin iyong prosthetics ko for every scene, tapos ang exposure niya sa screen bagamat markado ay hindi ganoon kahaba,” aniya. “Heneral Luna was in his 30’s, but John (Arcilla) is in 40’s , so I would like to be in my 80’s than just to look in my 70’s. Mabusisi ang prosthetics but so far, lahat naman kami nag-sakripisyo sa set. So, enjoy lang para sa bayan,” dugtong niya.

d6164433cAno ang pagkakahawig ni Donya Laureana kay Bing sa tunay na buhay?

“Siguro, pareho kaming mapagmahal na ina. Just like Sid, he’s a doting father and mother to his daughter being a single parent. Ako naman, I am very fond of my granddaughter,” saad niya.

Ayon pa kay Bing, first historical film niya ang “Heneral Luna.”

“It makes me proud to portray a role na puwede kang maging bahagi ng history. Siyempre, ginawa siya hindi lang para sa henerasyon ngayon kung hindi puwede pa siyang mapanood sa mga susunod na henerasyon,” pagbibida niya.

Dagdag pa ni Bing, very vital ang kanyang role sa pagkatao ni Heneral Luna.

“Malaki ang papel ng maternal figure sa paghubog ng karakter ng ating mga bayani. In the same way that women could serve as an inspiration to men, particularly in the way they act, think and make decisions. Kaya nga there is this kasabihan na ‘behind the success or failure of a man is a woman.’ If Donya Teodora Alonzo played a vital role in the life of Rizal, ganoon din si Donya Laureana kay Antonio Luna,” pagwawakas niya.

Ang “Heneral Luna” ay isang critically acclaimed film na umani na ng mga papuri mula sa iba’t-ibang kritiko, tagahanga, estudyante, mananalaysay at maging sa mga Pinoy-American communities sa ibang bansa.

Tampok si John Arcilla bilang Heneral Luna, kasama rin sa all-star cast sina Arron Villaflor, Mon Confiado, Mylene Dizon, Perla Bautista, Lorenz Martinez, Alvin Anson, Alex Medina, Art Acuna, Archie Alemania, Epy Quizon, Leo Martinez, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Ronnie Lazaro at maraming iba pa. May natatanging partisipasyon rin si Paulo Avelino.

Mula sa produksyon ng Artikulo Uno at sa direksyon ng premyadong director na si Jerrold Tarog ( kilala sa kanyang Camera Trilogy), ang “Heneral Luna” ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan simula sa Setyembre 9.

Leave a comment

Leave a Reply