May 21, 2025
Faces and Places Latest Articles

Blockbuster tandem of Kim, Xian and Direk Mae for “Must Date The Playboy”

Sep 1, 2015

By PSR News Bureau

Must Date the PlayboyMuling nagbabalik ang pinananabikang tamabalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Mapapanood ang KimXi sa unang handog ng Starflix sa isang movie na sadyang ginawa para sa mobile. Mula sa pinagsanib-pwersa ng ABS-CBN mobile at Star Cinema, inihahandog ang “Must Date The Playboy” na eksklusibong mapapanood sa iWantTV. Kabituin nina Kim at Xian sa nasabing palabas sina Jessy Mendiola at Matt Evans sa ilalim ng direksyon ni Direk Mae Cruz.

Hango ang “Must Date The Playboy” sa isang popular na nobela sa Wattpad series na may parehong pamagat. May apat na bahagi itong movie series na tiyak na aabangan bawat Lunes sa iWant TV app ng ABS-CBN mobile.

Maganda ang takbo ng kuwento ng nasabing movie series. Mas mature na sa pag-arte ang tambalang KimXi. Pangatlong beses nang nagsama sa isang proyekto sina Kim, Xian, at Direk Mae. Ayon kay Direk Mae, mas mature na raw ang acting na ipinamalas ng dalawa. Maraming magaganda at maiinit na eksena ang aabangan ng fans dito bawat lingo.

Xian Lim and Kim Chiu 2Magpapakitang gilas naman si Jessy Mendiola bilang isang kontrabida. Refreshing ang role niya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay kakaibang papel ang kanyang gagampanan. Hindi na kailangan pang pumila ng mahaba para mapanood ang palabas na ito. Madali lang makapanood, P10 lang ang kailangan, lahat ng mga ABS-CBN mobile prepaid subscribers at ABS-CBN mobile MHP subscribers ay maaaring makapanood. Kailangan lang ay mayroong iWantTv app sa smartphone nila. Text lang ng “iWanttv10” sa 2135 at pwede nang manood kahit saan, kahit kailan at kahit pa paulit-ulit pa on 3G or WiFi. Hindi na kailangan ng additional internet load.

Available rin sa iWant TV app ang mga ibang pelikula ng KimXi tulad ng Bride For Rent, Past Tense at Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo. Pati mga paboritong teleserye tulad ng Binondo Girl at Ina, Kapatid, Anak nandoon din. Lahat yan ay mapapanood at no extra charge, kung kayo ay kumuha ng iWantv10 access pass.
Para sa karagdagang impormasyon sa ABS-CBNmobile, pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com

Leave a comment

Leave a Reply