
Boobsie Wonderland gets a big break with a concert at the Big Dome
by PSR News Bureau
Hindi pa rin daw lubos na makapaniwala ang fast rising na comedienne na si Boobsie Wonderland sa tinatamo nitong suwerte. Surreal moment pa rink ay Boobsie na isa siya sa mga talents na itatampok sa gaganaping concert sa Araneta Coliseum na may pamagat na “Panahon Ng May Tama: ComiKilig.” Makakasama niya rito sa concert sina Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, Ate Gay at Papa Jack mula sa CCA Entertainment Productions at sa ilalim ng panulat at direksiyon ni Andrew de Real.
Para kay Boobsie, sobrang blessed siya para mabigyan ng ganito kalaking pagkakataon na makapag-perform sa isang napakalaking venue gaya ng Araneta. “Opo as in grabe ang pagkamangha ko. Minsan nga nagjo-joke ako na balang araw ay makakapag-show din ako o mapapasama rin ako diyan na makapag-concert sa Araneta Coliseum. Kasi magaling akong performer at pang-masa,” kuwento ni Boobsie.
Dream come true nga para kay Boobsie ang kanyang nalalapit na concert. “Hindi talaga siya mag-sink in sa akin. Kaya very thankful ako kay Mr. P (tawag niya kay Joed Serrano as in Mr. Producer) at nakita niya ang talento ko. Yahooooo! Thank you po, Lord!”
Kakaiba daw ang konsepto ng kanilang concert ayon kay Boobsie. “Total package poi to. As in total performers po kaming lahat. Ika nga siksik, liglig at umaapaw. Talaga po naming pinaghahandaan ang bawat production numbers kaya’t sana po mapanood nilang lahat. Hindi po kayo magsisisi, sulit po ang ibabayad ninyo. It will be fun, promise po.”
Pinabulaanan din ni Boobsie na walang patalbugang magaganap sa kanilang apat sa concert nila. “Team effort po lahat. Ang goal lang po naming lahat ay mapasaya at super mag-enjoy talaga sa amin ang mga manonood,” pagtatapos ni Boobsie.