
Bossa Nova singer Sitti Navarro weds Joey Ramirez in Baguio City
By PSR News Bureau
Ikinasal na nitong nakaraang Biyernes, May 29 ang popular na Bossa Nova singer na si Sitti Navarro at ang kanyang nobyong si Joey Ramirez. Naging engaged sina Sitti ang napangasawa nito noong Hunyo ng nakaraang taon.
Isang pribadong kasal sa Baguio Country Club na dinaluhan ng mga piling guests kabilang na ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Sandaling umulan sa kasagsagan ng seremonya, sa kabila nito’y nagpatuloy ang kasal at itinuring na lamang nila ito bilang isang ‘blessing.’ Binansagang ‘bikerxbossa’ ang nasabing kasal. Ilan sa mga personalidad na dumalo upang saksihan ang nasabing kasal ay ang mga kaibigan ni Sitti na sina Boy Abunda, Kean Cipriano, Richard Poon, Nyoy Volante, Gary Valenciano, Nikki Gil at sina Aiza Seguerra at Liza Diño.