May 25, 2025
‘Boy Tokwa’ producer explains why Jose Manalo got the role, introduces grandson Mino Sotto
Latest Articles

‘Boy Tokwa’ producer explains why Jose Manalo got the role, introduces grandson Mino Sotto

Jan 7, 2019

Si Jose Manalo ang lead star sa pelikulang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, mula sa VST Production ni Sen. Tito Sotto. 

Base ito sa true-to-life story ni Rodrigo Morelos aka Boy Tokwa (sa kanyang mga kaibigan). Mula ito sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Tinanong namin si Sen. Tito sa presscon ng naturang pelikula, na ginanap kagabi sa Shangri-La Edsa Hotel, kung si Jose ba talaga ang first choice nila para gumanap na Boy Tokwa o may iba pa silang pinagpilian bago napunta kay Jose ang role.

“Ako personally, wala, siya na talaga.  Si Mareng Kitchie (Benedicto), nung una, ang idea niya, si Joey de Leon. Si Pareng Robert (asawa ni Kitchie), siya pala ang maysabi nun. Sabi niya, pag ginawa natin itong Boy Tokwa, si Joey ang kunin natin,” sabi ni Sen. Tito.

“Mareng Kitchie, told it, (na gawing pelikula ang buhay ni Boy Tokwa) during the wake of his brother, Bobby Ortega.  Naisip ko agad, si Jose. Kasi, nabanggit na nila, e, gusto ni Pareng Robert, si Joey. Sabi ko, ano bang hitsura nun? Sabi niya, mukhang tokwa. Sabi ko, saktong-sakto, si Jose. Magkahawig sila. Lalo na ‘yung landscape ng mukha,” natatawang sabi pa ni Sen. Tito.

Lahat ng ginagawa ni Boy Tokwa, nung nabubuhay pa raw ito ay ipapakita sa pelikula.

“Yung nagbebenta siya ng tuko sa mga kano, kunwari baby crocodile, ginagawa niya talaga yun.

“Yung nagsusugal siya sa loob ng toilet, ginagawa niya talaga ‘yun. Dun niya dinadale ‘yung mga kano sa toilet.

“Ipapakita rin sa pelikula na nililigawan niya si Anne McArthur, yung apo ni Gen. Douglas McArthur. Ipinagsasabi niya na sinagot siya, pero binasted naman pala siya,” natatawang sabi pa ulit ni Sen. Tito.

Si Boy Tokwa ay maihahalintulad kay Robin Hood, na kilalang magnanakaw, pero binibigay ang mga ninanakaw sa mga mahihirap.

“Si Boy Tokwa, nanloloko man siya ng mga kano, pero ‘yung nakukuha niyang pera sa mga ito, binibigay niya rin sa mga maralita, sa mga GRO sa Gapo. Kaya ganun siya kamahal ng mga tao sa Gapo.”

Showing na bukas, January 8, nationwide ang Boy Tokwa.  Kasama rin dito sina Joey Marquez, Karel Marquez, Allan Paule, Buboy Villar at marami pang iba. 

Introducing dito ang apo ni Sen. Tito na si Mino Sotto.

Leave a comment